‘Herd immunity’ sa Pinas maaaring makuha pa sa Q1 ng 2022 — Duque
Ni Nikki Coralde
PHOTO: Philippine Daily Inquirer |
Inaasahan ni Health Secretary Francisco Duque III na makakamit ng Pilipinas ang herd immunity sa unang quarter ng 2022 kung maaabot umano ng bansa ang 500,000 hanggang 600,000 na average doses ng nababakunahan kada araw.
Dagdag pa niya, magagawa lamang ito kung may makararating na sapat na suplay ng bakuna sa bansa.
"Supply permitting and assuming that there will be about 500,000 to 600,000 doses jabbed per day, the conservative estimate is, we might be able to achieve herd immunity sometime... second month of the first quarter of 2022," aniya.
Base sa ulat ng Department of Finance kay Pangulong Rodrigo Duterte, inaasahan umanong dumating ang 195 milyon na doses ng COVID-19 sa katapusan ng taon.
"Having said that, it will exceed our herd immunity target of 77 million Filipinos, about 70% of the population, so we are confident that excess doses will be sufficient to cover those not belonging to the herd immunity population as identified," paliwanag ni Duque.
Sa ngayon, mahigit 13.7 milyong Pilipino na ang nabakunahan kontra COVID-19, na kung susumahin ay wala pa sa kalahati ng 76.3 milyon na target para sa herd immunity.
Samantala, sinabi naman ni Former Health chief at Iloilo Representative Janette Garin, na pag-usapan na lang muna umano ang pagkakaroon ng third dose ng bakuna bago ang herd immunity.
"Let's do away with the discussion of herd immunity as of the moment but let's discuss the importance of a third dose," ani Garin.
Kaugnay nito, tinanong naman ni Marikina City Representative Stella Quimbo si Duque kung hanggang kailan magiging banta ang COVID 19 sa bansa na sinagot naman ng Kalihim na magtatagal pa raw ng isa hanggang dalawang taon.
"Malamang ito ay abutin pa ng isa hanggang dalawang taon batay sa mga projections ng WHO at mga grupo ng eksperto," ani Duque.
Sanggunian ng ulat: GMA News