Lassiter, dinala ang SMB sa panalo; Bolts, inungusan ang NLEX
Ni Sebastian Lei Garcia
Bolts, inungusan ang NLEX
Nagsigawan lahat ng manonood dahil sa game-winning 3-point shot na isinalaksak ni Marcio Lassiter ng 2020 4th Placer , San Miguel Beermen kontra Alaska Aces, habang naungusan ng Meralco Bolts ang Nlex Road Warriors sa elimination round ng 2021 Phlippine Basketball Association kanina sa DHVSU Gym, Bacolor.
Nasa bingit na ng pag-katalo ang San Miguel ngunit napasakamay ni Fil-Am sharpshooter Lassiter ang bola may 3.8 segundo ang natitira sa ika-apat na kwarter kaya’t ibinato niya ang bola sa three-point line na naging susi sa kanilang pag-kawagi, 101-100.
PHOTO: PBA |
Nakapagtala ng 20 markers si CJ Perez at six rebounds, ngunit hindi man gaano naka-puntos si Lassiter na may 13 lamang, tatlo doon ang naging paraan upang sila ay makaabante sa susunod na round.
Sa panig ng Alaska, bumuno si Abu Tratter ng 24 puntos para sa Alaska, habang umagapay si Rodney Brondial ng 17.
Sinelyuhan ng SMB ang ikaapat na pwesto hawak ang 7-4 rekord habang sadsad sa 3-7 kartada ang Alaska, na nasa bingit na ng pagkalaglag sa playoffs.
Sa kabilang banda, nautakan naman ng Meralco Bolts ang Nlex Road Warriors para makausad sa standings ng PBA, 104-101,at para makuha ang twice-to- beat advantage sa tulong ni Allein Maliksi na nagpasok ng 22 puntos.
PHOTO: Manila Bulletin |
Nakalamang agad ang Meralco ng 20 puntos ngunit nagsimulang maging madugo ang laban sa ika-apat na kwarter dahil sa agresibong laro na ipinapakita ng Road Warriors na pinangunahan ni rookie- Calvin Oftana na nagpakawala ng 34 tirada.
Tangan ng Bolts ang 8-2 rekord para umupo sa ikalawang pwesto ng standings, habang tatapusin ng NLEX ang elims campaign na may 5-6 rekord, sapat para makapasok sa quarterfinals.
Maaari natin mapagmasdan muli ang Meralco Bolts na sumagupa kontra Barangay Ginebra San Miguel, habang ang Northport Batang Pier naman ay lalaban sa Alaska Aces, bukas para sa huling laro ng eliminations.