Ni Cherry Babia

PHOTO: PCOO

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na huwag munang asahan na malapit nang magbalik sa normal ang pamumuhay ng bansa bunsod ng pandemya sa kanyang public statement, Setyembre 22. 

"We will not be able to return to the old norm. Mga ano pa siguro two to three years. Pero ‘pag ang mga tao mag — nandiyan ang bakuna, magpabakuna na kaagad. At least ma-minimize na and we can achieve the herd immunity, which is a long shot. But we can attain it with the help of the people and if God helps us, we can have a steady supply of vaccines," ayon kay Pangulong Duterte.

"Early in the first maybe first or second quarter of year '23, 2023, baka, tulong ng Diyos," dagdag ng pangulo.

Una na ring sinabi ni Carlito Galvez Jr., Chief Implementer ng National Task Force on COVID-19, na maaaring makakita ng pag-asa ang bansa na bumalik sa normal sa taong 2023.

Iginiit din ng pangulo na ang pagbabakuna lamang ang tanging solusyon laban sa COVID-19.

"Ayaw mo magpabakuna, umalis ka. Go out of government. Why? Because when you are with the government, you face people, people transact business officials, well, audiences or visits," aniya.

Gayunpaman, dumating sa bansa noong Linggo ang 600,000 China-donated shots na bakuna sa COVID-19 na nanggaling sa Beijing Sinovac Biotech.

Magmula ng rollout ng bakuna simula noong Marso, nasa 20 milyong Pilipino na ang nabakunahan habang 22.5 milyon naman ang nakatanggap ng kanilang first shot.

Nilalayon ng gobyerno na makapagbakuna ng higit 77 milyon katao para makamtan ang kaligtasan sa sakit laban sa nakamamatay na pathogen sa bansa.


Mga sanggunian: ABS-CBN News, ABS-CBN