TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

PBA: Beermen, Hotshots, abante sa semis

Ni Winlei Kim Castro

Naitakas ng San Miguel Beermen ang 100-95 win kontra sa Northport Batang Pier habang sinilat naman ng Magnolia Hotshots  ang Rain or Shine Elastopainters sa Playoffs, 96-86, sa 2021 PBA Philippine Cup Quarterfinals kanina sa DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga.

Hindi binigo ni CJ Perez ang Beermen matapos niyang pangunahan ang kanyang koponan tangan ang 21 puntos, apat na rebounds, dalawang assists, at 6/12 field goals para sipain ang Batang Pier palabas ng Playoffs.

PHOTO: PBA Photo Bureau

"Yung panalo na to, importante to samin kasi matagal na hindi nakakarating ng semis ang San Miguel," ani Perez.

Sa kabilang banda, binuhat naman ni  Calvin "The Beast" Abueva ang Hotshots matapos magtala ng 20 puntos, 19 boards, at 6/11 Field Goals at tuluyang maka-abante sa semifinals ng liga. 

PHOTO: PBA Photo Bureau

"Always focus lang kami, ang goal namin is itong win sa quarters," ayon kay Abueva.

Samantala, magtatapat ang top-seeded Talk n' Text Tropang Giga at San Miguel Beermen kasama ang NLEX Road Warriors/Meralco Bolts at Magnolia Hotshots para sa darating na semifinals ng torneyo.