TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

PBA: Bolts, nalusutan ang Ginebra; Batang Pier, nilaglag ang Alaska

Ni Winlei Kim Castro

Nailusot ng Meralco Bolts ang panalo kontra sa Barangay Ginebra San Miguel habang dinomina naman ng Northport Batang Pier ang Alaska Aces sa 2021 PBA Philippine Cup Elimination Round kanina sa DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga.

Pinaliit ng Meralco Bolts ang tsansa ng Barangay Ginebra San Miguel na makapasok sa Playoffs matapos ang kanilang 79-66 win at magkaroon ng 9-2 kartada sa pagtatapos ng elims.


PHOTO: ABS-CBN

Binuhat ni Mac Belo ang Bolts tangan ang 15 puntos, pitong rebounds at 7/14 fgs at tuluyang maibulsa ang panalo.

Sa kabilang banda, pinangunahan naman ni Robert Bolick ang Northport Batang Pier matapos magtala ng triple-double gamit ang 22 puntos, 13 rebounds, at 13 assists para wakasan ang pag-asa ng Alaska Aces na makapasok sa Playoffs sa bisa ng 122-94 panalo. 

PHOTO: SPIN PH

"Syempre hindi ko naman magagawa yun kung wala yung mga coaching staff na naniniwala sa mga players dito e so sa kanilan nagsisimula lahat," ayon kay Bolick.

Samantala, maglalaban naman ang Barangay Ginebra San Miguel at ang Phoenix Fuel Masters sa Sabado para sa pinag-aagawang 8th spot sa Playoffs.

Maglalaban sa playoffs ang Talk n' Text Tropang Giga at ang magwawagi sa engkwentro ng Ginebra at Phoenix Fuel Masters sa 8th spot, habang sa ibang serye ay magsasagupa ang Meralco Bolts at NLEX Road Warriors, San Miguel Beermen at Northport Batang Pier, at huli ang Magnolia Hotshots at Rain or Shine.