TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

PBA: Bolts, Tropang Giga, kumuha ng panalo; top 2 seeds, sinelyuhan

Ni Winlei Kim Castro

Nailusot ng Meralco Bolts ang 104-97 panalo kontra sa (former Blackwater Elite) Blackwater Bossing habang dinomina ng top-seeded Talk n' Text Tropang Giga matapos ang 103-85 panalo laban sa Alaska Aces para tumuntong sa Top 2 standings ng 2021 PBA Philippine Cup kanina sa DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga.

Abante sa una at pangalawang pwesto ang TNT at Meralco tangan ang 10-1 at 7-2 kartada, ayon sa pagkakasunod-sunod. 

Binuhat ni Makati native Allein Maliksi ang Meralco Bolts matapos magtala ng 21 puntos at 10 boards upang pamagain pa ang 0-11 kartada ng Blackwater Bossing.

PHOTO: GMA

"Sa mga coaches namin, sila yung naging inspiration namin. Tsaka yung mga iniwan naming players, si new (Newsome), si Cliff, si Toto sabi namin ibibigay namin yung game na to, ipapanalo yung dalawang sunod na schedule para pagbalik nila ready kami for upcoming games," ayon kay Maliksi.

Sa kabilang banda, nag-ukit naman si 29 year-old RR Pogoy ng 18 puntos, apat na rebounds, at dalawang assist para pangunahan ang Tropang Giga at mapanatili ang pagiging rank 1 sa liga.

PHOTO: GMA

"Siguro ito ang pinakamagandang laro ko, di ako maka-shoot, nagstruggle ako. But salamat kay coach Chot na may tiwala pa din sa akin," ani Pogoy.

Samantala, dahilan ang 19 losing-streak ng Blackwater Bossing mula last bubble season para higitan ang 18 straight losses ng Great Taste/Presto franchise noong 1980 at tuluyang maging pinakamahaba sa buong PBA history.

Magtatapat naman bukas ang Rain or Shine Elasto Painters at ang Northport Batang Pier, Magnolia Hotshots at San Miguel Beermen, kasama ang Terrafirma Dyip at Alaska Aces.