PNP tiwalang PH justice system epektibo pa rin
Ni Alyssa Damole
PHOTO: ABS-CBN News |
Idiniin ni Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar na "mabisa" pa rin ang Philippine justice system sa kabila ng tala ng International Criminal Court (ICC) na 94 porsyento ng pamilya ng mga biktima ng drug war na isinagawa ng administrasyong Duterte ang nagnanais na magkaroon ng 'full-blown investigation' ang nasabing kampanya.
"We can assure them that the Philippine justice system works. Proof of this is the conviction of the policemen for the killing of Kian delos Santos and several other court decisions which have caused the dismissal and imprisonment of other PNP personnel," saad niya.
Dagdag niya na karapatan din naman ng mga pamilya at ng bawat isa na idulog ang hinaing kung saan nila inaakalang matutugunan ito.
“We respect the decision of the families of persons killed in anti-illegal drug operations in seeking an International Criminal Court investigation," ani Eleazar sa kanyang statement nitong ika-31 ng Agosto, 2021.
Matatandaang dati na ring nakiusap sa international body si former ICC prosecutor Fatou Bensouda na magsagawa ng pormal na imbestigasyon tungkol sa mga pagpatay na may kinalaman sa nasabing drug war.
Sinagot naman ito ni Eleazar at kanyang sinabing kasalukuyan na itong iniimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) kasama ng lokal na kapulisan, at may iilan ng mga dokumento ang naipasa sa kanila.
"We already made several initiatives to prove that the PNP has no policy of allowing and tolerating all forms of human rights abuses in the conduct of our operations," pahayag niya.
Ayon pa sa PNP chief, kasama sa pagpapatibay ng transparency ng naturang imbestigasyon ang pagsusuot ng body-worn cameras at pagkakaroon ng "agresibong" internal cleansing pagdating sa PNP personnel.
Sanggunian ng ulat: Philippine Daily Inquirer