Bolts, abante sa semis kontra NLEX, 97-86
Ni Sebastian Lei Garcia
PHOTO: PBA Photo Bureau |
Hindi sinayang ng Meralco bolt ang kanilang twice to beat advantage matapos lampasuhin ang Nlex Road warriors, 97-86 ,sa Playoffs Quarterfinals ng PBA 2021, kahapon.
Pinangunahan ni Chris Newsome ang Meralco upang nakawin ang huling tiket patungong semi-finals makaraang pumuntos ng 23, siyam na rebounds at anim na assists.
Nagliparan papasok ang mga bola sa ika-tatlong kwarter dahil sa mga tira na pinapakawalan nina Newsome, Cliff Hodge at Anjo Caram na naging sanhi ng paglaki ng agwat sa kanilang iskor kontra Road Warriors.
"We played to compete, we played to get as far as we can," ani Newsome. "We've been to the semis last year, didn't go where we wanted to go so here we are trying to redeem ourselves." dagdag pa nito.
Pinasiklab muli ni Fil-Am Hodge ang diwa ng Meralco dahil sa kaniyang 10 of 16 markers ay ipinasok sa ikalawang quarter para lumamang ng 11 baskets sa halftime, 46-35.
Samantala, nabasag ang nabubuong saya ng Road Warriors sa first game nila ng Meralco dahil sa pagka-dapa sa second game,86-97.
Noong isang araw lamang ay napigilan ni Calvin Oftana na makuha ang susi para sa semi-finals laban sa Meralco dahilan sa kanyang game-winning three point shot may anim na segundo natitira sa ika-apat.
Nagawang madikit ng No.7 seed Road Warriors ang kanilang iskor sa Meralco sa pangatlong kwarter ngunit hindi ito pinayagan ng trio na binubuo nina Newsome, Hodge at Caram na magpatuloy pa.
Aarangkada na ang Game 1 ng best-of-seven ng PBA 2021 bukas, at sasabak na muli ang Meralco kontra Magnolia.