TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

CEBREM: Panibagong uri ng tipaklong at salagubang, namataan sa kagubatan ng Mindanao

Ni Jhennisis Valdez

PHOTO: Central Mindanao University

Maliit man kung tingnan ang mga insekto, hindi pa rin iyon naging hadlang sa kanila upang magparami ng lahi. Size doesn't matter, ika nga. Sa katunayan, nitong nagdaang mga buwan nakadiskubre ang ilang mga eksperto pagdating sa agham ng panibagong specie ng tipaklong at salagubang na namataan sa kasulok-sulukan ng Mindanao.

Natuklasan ito ng isang grupo ng mga researcher na mula sa Center for Biodiversity Research and Extension in Mindanao (CEBREM) na pinangunahan nina Dr. Victor B. Amoroso at Dr. Alma B. Mohagan, nitong mga nakaraan na buwan sa Mt. Hamiguitan Wildlife Sanctuary, Davao Oriental at Mt. Malambo, Marilog District.


TANSONG SALAGUBANG

Una nilang nasaksihan ay ang bagong uri ng salagubang na natagpuan sa Mt. Hamiguitan Wildlife Sanctuary, Davao Oriental, sinasabing kabilang ang insektong ito sa Coleopter na kung saan mayroong forewings upang makabuo ng matibay na wing cases.

Pinangalanan nila itong bronsi, na hango sa salitang Mandaya na ang ibig sabihin ay bronze, sapagkat kulay tanso ang katawan nito.

Bukod pa rito, naisapubliko ito noong 2020 sa Philippine Journal of Systematic Biology na kung saan sina Romeo R. Patano Jr. at Sheryl A. Yap ang kinilalang nagpangalan nito.


T-IPAKLONG DERIJEI

Samantala, nitong unang kwarter ng 2021 namataan naman sa Marilog Forest Reserve, Davao City ang sinasabing panibagong uri ng tipaklong.

Tinawag nila itong Tegotettix derijei, na kung saan kinokonsidera ng mga siyentipiko na isang bagong uri ng pygmy grasshopper, sapagkat mayroon itong sungay at matinik na katawan.

Isa din si Patano sa mga nagbigay ng ngalan dito, na nailimbag sa Zootaxa.

“In the Philippines, we have more than 100 species of pygmy grasshoppers, and we only have two known species endemic in the Philippines for that genus. This discovery adds up to that species under this genus," dagdag ni Patano sa kanyang interview.


DAAN SA PAGTUKLAS

Samantala, hinango nila ang pangalang ito sa Central Mindanao University president na si Dr. Jesus Antonio G. Derije upang suklian ang suportang ibinigay niya sa pagaaral tungkol dito.

Ayon sa head ng CMU museum na si Dr. Mohogan, malaki ang suporta ni Mr. Derije sa research at pinupuntahan pa sila ni Mr. Derije sa kagubatan upang kumustahin ang kanilang pag-aaral.

“The new species that we have discovered are outputs of the two ongoing researches under the research programs of NAST Academician and Professor Emeritus Dr. Victor B. Amoroso,” pahabol ng doktor.

Naniniwala din si Dr. Mohogan na malaking tulong ang ganitong uri ng pag-aaral upang mapanatili ang sigla at kaayusan sa ating ecosystem. 

“Discovering new species is an expression of our love for the country as part of the national heritage," aniya.

Sa pangkalahatan, tinataya na ang mga resulta ng bawat pag-aaral na isinagawa ng CEBREM researchers, ay nailagay at naitala na sa UNESCO World Heritage Site.


Sanggunian ng ulat: Central Mindanao University