Ni Cherry Babia

PHOTO: PCOO

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tama ang naging desisyon niya na magretiro sa politika, pagkatapos ng kanyang huling termino ngayong taon.

Inihayag ito ni Pangulong Duterte matapos ang naging resulta ng kanyang Social Weather Stations (SWS) poll survey na nagpapakitang umabot sa 62 porsyento ang kanyang satisfaction net rating noong Hulyo 2021, 17 porsyentong ibinaba mula sa 79% noong Nobyembre 2020.

"Thank you for the figures. It's still good but I think it's time. There's always a time for everything," ani ng pangulo sa kanyang naging pre-recorded public address noong Lunes, Oktobre 4.

"Even if you get a 64 rating, may panahon-panahon ang buhay. So sa palagay ko, tama yung ginawa ko," dagdag niya.

Sinabi rin ng pangulo noong Sabado na napagdesisyunan niyang magretiro sa pulitika, para respetuhin ang "will of the people" na ibalik ang kanyang vice presidential bid at magretiro na. 

"I withdrew my vice presidential bid for next year’s elections after giving serious thought to the sentiments of the Filipino people expressed by different surveys, forums, caucuses, and meetings," aniya.

Umaasa rin umano siya na ipagpapatuloy ng magiging bagong pangulo ang kanyang nasimulan para sa bansa. 

"It is time to give way to a new set of leaders who hopefully continue the reforms, projects, and programs that this administration has pursued for the past few years," dagdag niya.

Umaasa rin siyang ipagpapatuloy nito ang kanyang mga programa sa imprastraktura at iba pang mga plano ng administrasyong Duterte.

"It is my hope that the new set of leaders will pursue a platform of government that will build on our gains in the areas of fighting illegal drugs, criminality, corruption, terrorism, and insurgency," ani Duterte.


Mga sanggunian: Manila Bulletin, PNA