Ni Kier James Hernandez

PHOTO: ABS-CBN News

Wala na raw maisip na ibang nakamit na tagumpay ng kasalukuyang administrasyon si senatorial aspirant Samira Gutoc, kaya sinabing tagumpay ang 'drug war' ng Pangulo, balimbing sa kaniyang naunang pananaw noong halalan 2019 sa pagka-senador. 

Ito ang iginiit ni Gutoc, Marawi Civic Leader at tatakbo sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko, bilang pagdepensa sa mga panghuhusga sa kaniya matapos ang kaniyang naging pahayag sa panayam sa kaniya ni Karen Davila sa ANC Headstart kahapon. 

Matatandaang maingay ang pagtutol ni Gutoc sa kampanya laban sa droga ng kasalukuyang administrasyon noong huli siyang kumandidato sa pagka-senador noong 2019. 

"Kayo naman, my gosh. Hindi naman po pro-drug war si Sam in the sense na remarkable is something positive. Kayo naman, I was meaning... Actually, wala na nga akong maisip na accomplishment e. Kaya on Karen Davila's interview, 'yun na. Drug war that he [President Duterte] promised," sabi niya sa kaniyang post sa twitter. 

Kaagad namang nilinaw ng dating talunan sa pagka-senador ang kaniyang pahayag at sinabing maituturing lamang daw itong 'rememberable'. 

“Rememberable because as a woman, widows have been the result of the drug war. And I don’t need to go to CHR (Commission on Human Rights) to see the thousands of documents of women affidavits that are filed, grabe po. It’s remarkable that we allow policemen to do this to so many thousands of people. I cannot. Grabe po...," aniya. 

Habang naniniwala siya na ang operasyon ay patunay na dapat palakasin ang "pillars of the justice system," idinagdag niya na ang drug war ni Duterte ay isang tagumpay sa paraang nagtagumpay itong magtanim ng takot sa mga tao. 

"It was a shortcut process, but it allowed people to say... I mean mali talaga naman ang droga, but po 'yung pillars of justice system, sana nilakasan. It is a success by fearing, ingraining fear in people," ani Gutoc. 

"In some way. Not sustainable in a way but yes, in a way. Lesser... I mean there's fear on the ground, there's fear," sambit pa. 

Bukod pa rito, nang muling tanungin kung ano ang pinakamagandang nakamit ng administrasyong Duterte, isinagot ng senatorial candidate ang Bangsamoro Region. 

"Maybe it’s the Bangsamoro law for me because ‘yun ang alam ko eh. It affects 4 million people, nagkaroon ng (there came) respite, peace process and it will decrease insecurity and therefore bomb blast grenade advisories will lessen in the Philippines," wika niya. 

Samantala, maraming taga-suporta ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa nasabing kandidato at mayroon pang ilang nagsabi na hindi na nila ito iboboto.

Kalaunan nama'y humingi ng tawad si Gutoc at nilinaw na hindi siya naging pro-drug war at hinding-hindi magiging taga-suporta ng kampanya. 


Mga sanggunian: ABS-CBN News, Philippine Star, ANC