TOP STORIES

6/recent/ticker-posts

PBA: Tropang Giga, tinambakan ang Hotshots; unang panalo sa finals, sinelyuhan

Ni Winlei Kim Castro

PHOTO: PBA

Hindi nagpadaig ang 1st-seeded Talk n' Text Tropang Giga matapos maibulsa ang 88-70 win kontra sa Magnolia Hotshots kanina sa 2021 PBA Philippine Cup Finals Game 1 sa DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga. 
 
Naglista agad ng 20-2 run ang Tropang Giga sa umpisa ng laro dahilan upang makakuha sila ng sampung kalamangan sa pagtatapos ng unang kwarter, 24-14.

Binuhat ni Mikey Williams ang Tropang Giga makaraang mag-ukit ng 21 puntos, 10 rebounds at 5 assists at tuluyang makalamang sa finals series, 1-0.

"We prepared well, we wanted to execute everything coach wanted to get done," ayon kay star player Williams.

Hindi naman naging sapat ang 15 puntos na itinala ni Magnolia Star Paul Lee upang maipanalo ang laro.

Samantala, sa Biyernes naman ng gabi gaganapin ang game 2 ng serye.