Rule of law performance inilabas na; PH, bumagsak sa ika-109 out of 132 bansa
Ni Xhiela Mie Cruz
PHOTO: Life Site News |
Bumaba pa ang naitalang rule of performance ng Pilipinas sa ika-109 kumpara sa may kabuuang 132 na mga bansa sa kamakailan lamang na inilabas na detalye ng World Justice Project (WJP) noong Huwebes.
Base sa Rule of Law Index 2021 na galing din sa WJP, may kabuuang 138,000 pamilya at 4,200 legal practitioners at experts sa buong mundo ang nakiisa upang magsilbing basehan sa pagtatala ng mga dapat at angkop na impormasyon na kailangan.
Dagdag pa rito, makikita rin sa nasabing report na 0.46 ang bagong overall rule of law score ng Pilipinas na dating 0.49 na nagresulta ng pagbaba nito ng 2.9%.
“Significant trends for the Philippines included a deterioration in the factor measuring Order and Security,” pahayag ng WJP.
“In a year dominated by the global COVID-19 pandemic, 74.2% of countries covered experienced declines in rule of law performance, while 25.8% improved. The 74.2% of countries that experienced declines this year account for 84.7% of the world’s population or approximately 6.5 billion people,” ani pa ng mga ito.
Iginiit pa ng WJP co-founder and Chief Executive Officer Bill Neukom na ito na umano ang panahon upang magsilbi itong aral at magresulta ng pagkamulat sa mga bagay-bagay na nagaganap sa loob at maging sa labas ng bansa.
“With negative trends in so many countries, this year’s WJP Rule of Law Index should be a wake-up call for us all,” sabi ni Neukom.
“Rule of Law is the very foundation of communities of justice, opportunity and peace. Reinforcing that foundation should be a top priority for the coming period of recovery from the pandemic,” punto pa nito.
Bilang dagdag, Denmark, Norway, at Finland ang mga bansang nanguna sa Democratic Republic of the Congo samantalang Cambodia, and Venezuela, RB ang naitalang nahuli sa listahan.
Sanggunian ng ulat: Philippine Daily Inquirer