TNT, Chot, raratsada muli sa Finals; SMB, tinambakan sa Game 7
Ni Paul Lerrom Conducto
PHOTO: PBA |
Tatapak muli sa Finals ng All-Filipino Cup ang TNT Tropang Giga kasama ang nagbabalik nilang head coach na si Chot Reyes nang gulantangin ang San Miguel Beermen sa Do or Die Game ng kanilang best-of-seven series, 97-79, 2021 PBA Philippine Cup, Bacolor,Pampanga,kanina.
Kumargada ng 11-0 run ang TNT Tropang Giga sa huling limang minuto matapos magpaputok ng tatlong sunod-sunod na tres at isang finishing lay-up para palobohin ang kanilang 15-point advantage at iwanang luhaan ang SMB na naging scoreless nang halos tatlong minuto sa final frame upang tuluyang mapasakamay ang Semis.
Sinandigan ng TNT si Roger Pogoy na humakot ng 27 puntos, 10/19 FGs at 4/6 3PT FGs habang sinuportahan ng double-double nina Jeth Troy Rosario, na may 12 puntos at 12 rebounds, at Kelly Williams, na humakot naman ng 11 puntos at 10 rebounds sa first half, ang pagkilos ng koponan upang matuhog ang 26 puntos na highest lead laban sa San Miguel.
Dahil rin sa pagbabalik ni Coach Chot Reyes matapos na humigit isang dekadang iniwan ang Tropang Giga, nagawa nilang pigilan ang asam na Finals ng San Miguel.
“I am thinking that this game is about TNT vs SMB, not me vs Leo(Austria)”; “Our mindset is that how can we get better in Finals than we were in the Semis, there is still another one huge mountain to climb,” pahayag ng former Gilas Pilipinas coach.
Binuhat naman ni June Mar Fajardo ang SMB nang kumolekta ng 22 puntos at 16 rebounds at nag-ambag rin si Chris Ross na sumabay nang 15 puntos at 11 rebounds ngunit hindi ito sapat upang mahabol ang kalamangan ng Ka-Tropa sa buong half time.
Maagang humarurot ang Beermen sa 1st quarter, 23-15, ngunit gumanti ang Ka-tropa sa 2nd quarter matapos makaarangkada ng 14-2 run mula sa asintadong free throws ni Rosario at jump shots ni Mikey Williams bandang 6:15 at napanitili ang lamang nila sa pagtatapos ng 1st half, 45-36.
Sa pagbubukas naman ng 2nd half ay sinusubukan ng SMB na makadikit bagaman kinapos ang kanilang opensa na may 32% lamang sa field at 25% sa tres kaya’t nangunguna pa rin ang TNT, 55-67.
Sinamantala na ng Ka-Tropa ang kahinaan ng San Miguel kaya’t naglatag sila ng mainit na drives at behind the arc shots sapat upang makagawa ng magkasunod na runs at ilugmok na ang kalaban hanggang sa dulo.
“Sa totoo lang kung mahirap kalabanin ang San Miguel, sigurado sa Finals mas mahirap pa lalo kung ang Magnolia kalabanin namin, dahil nga maganda ang takbo nila ngayon,” ani ng best player of the game na si Pogoy.
Sisimulan na ng TNT at Magnolia Hotshots ang bakbakan sa best-of-seven Finals na magaganap sa Miyerkules.