Ni Alyssa Damole

PHOTO: Vico Sotto/Facebook
Bigating salary hike ang gantimpalang natanggap ng 215 empleyado ng City Environment & Natural Resources Office (CENRO) at Solid Waste Management Office (SWMO) mula kay Pasig City Mayor Vico Sotto nitong Lunes, Disyembre 27.

Mula sa kasalukuyang P5,000 o P8,000 na sahod, makatatanggap na sila ng P12,000 kada buwan sa kundisyong kailangan nilang makumpleto ang walong oras na serbisyo kada araw.



"Marami sa kanila ay street sweeper, makakatulong ito para mapunan ang kulang sa mga eskenita at Home Owners Associations (HOA),” aniya sa kanyang social media posts.

Giit pa ni Mayor Vico, wala namang kaso ang full-time work para sa mga street sweeper na kanyang nakapanayam kapalit ang taas-sahod.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nagsagawa ng salary hike ang Pasig City government para sa kanilang mga empleyado matapos magkaroon ng 140% salary increase para sa 314 Pasig Health Aides (PHA) noong unang quarter ng taong kasalukuyan.



DISCLAIMER