Isko binansagang ‘Next President of PH’ ni Cebu Rep. Garcia
Ni Monica Chloe Condrillon
PHOTO: Rappler |
“I am humbled to introduce to you tonight the man who is to be the next president of the Philippines, Mayor Isko Moreno Domagoso,” pahayag ni Deputy Speaker Pablo John ‘PJ’ Garcia sa isang seremonya para sa programang Sugbo Negosyo na siyang dinaluhan ng mga alkalde ng 50 Local Government Unit (LGU) ng Cebu noong Lunes.
Binigyang pag-asa nito ang partido sa posibilidad na makamit na nila ang endorso ng pamilya Garcia sa Cebu.
Ito ay ayon sa patuloy na panliligaw ni Moreno sa naturang probinsya na may pinakamaraming registered voters na aabot sa 3,082,621, ayon sa Commission on Elections.
Samantala, patuloy na pinuri ng secretary general ng One Cebu ang kandidato sa kanyang mga tagumpay bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila sa pagpapatuloy ng kanyang pagpapakilala.
“And the City of Manila may have seen in this man so much that they have entrusted their future to this young man, the premier capital of the Republic of the Philippines,” wika ni Garcia.
Nabanggit niya ang mga nagawa ni Moreno sa sariling lungsod ukol sa mga tuntuning ayon sa kalusugan, kalinisan, at pabahay sa loob ng tatlong taon; kabilang dito ang pagpapatayo ng mga ospital tulad ng fully air-conditioned na may sampung palapag na Ospital ng Maynila, at ang ipinatayong Tondominium bilang pabahay.
“Where before Manila was a dirty, smog-filled city, people can now breathe with the many green public places he has brought back to life. Even the Manila Zoo, which until his mayorship was virtually a dung-heap, dirty and smelly, has now been revived and brought back to life,” dagdag ni Garcia.
Nagparamdam din ng labis na paghanga si Garcia sa kanyang paggunita sa mga pinagdaanan ng alkalde at kung ano ang narating niya ngayon, partikular na ang kanyang pinagmulan sa iskwater ng Tondo, at ang kanyang pagtatrabaho bilang basurero sa edad na 10.
Ipinahayag din niya na ang tema ng buhay ni Moreno ay kaugnay sa tunay na layunin ng programang Sugbo Negosyo.
“When you come from such beginnings at the bottom of the economic strata of society, what you need to succeed – resilience, perseverance innovation, creativity – is what the micro, small and medium enterprises (MSMEs) really need to succeed,” muling pahayag niya.
Naglahad naman ng kagalakan si Moreno kay Cong. PJ at Gobernador Gwen Garcia sa imbitasyon na natanggap sa naturang programang tungkol sa Sugbo Negosyo, proyektong pinangunahan ni Gov. Garcia, na maaaring maging modelo sa mga papaunlad na MSMEs.
“Akala ko maganda na yung ginawa natin sa Maynila on how to survive business, on how to support business, only to find out ang pinaka-magandang idea pala na worth emulating, and Congressman Garcia is correct when I said it today that may awa ang Diyos, someday somehow, hihiramin ko na ito para sa DTI ng buong bansa,” pahayag ni Moreno.
Nangako si Moreno na kokopyahin ang naturang programa ng Cebu para sa lahat ng kababayan na naghahanap buhay sa buong bansa sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Sanggunian ng ulat: Philippine Daily Inquirer