Kampo ni Marcos, binansagang 'pathetic stunts' ang mga petisyon laban sa anak ng dating diktador
Ni Kyla Balatbat
PHOTO: BBM |
Ipinababasura ng kampo ni Presidential aspirant Bongbong Marcos Jr. sa Commission on Elections (COMELEC) ang mga nakahaing petisyon laban sa anak ng dating diktador upang kanselahin ang kaniyang Certificate of Candidacy (COC) na ibininbin ng ilang biktima ng Martial Law, bilang paghahangad umano ng kampo na respetuhin ang kalayaan ng mga Pilipinong makapaghalal ng potensiyal na kandidatong mamumuno sa bansa.
Sa pagtungtong ng limang petisyon laban kay Marcos Jr., binansagan ng kampo ang iba’t ibang kasong diskwalipikasyon na “nothing but nuisance cases” at “pathetic stunts” lamang ang mga nasabing kasong humaharang kay Marcos na tumakbo sa pagkapangulo.
Giit ng chief-of-staff at spokesman ni Marcos na si Vic Rodriguez, “We urge those who are behind these pathetic stunts to please respect the Filipino people and their democratic right to decide for themselves and their collective future,”
“We also urge them not to remove the right of the people to freely choose their leader and stop looking down on the intelligence of the Filipino people,” ani pa ni Rodriguez.
Sa kasalukuyang tala ng COMELEC, tatlong petisyon na ang nakahain bilang paghahangad na kanselahin ang COC ni Marcos, isang petisyon na ideklara si Marcos bilang nuisance candidate, at isang petisyon para sa diskwalipikasyon ng presidential aspirant.
Pagpapasaring naman ng kampo ni Marcos ukol dito, “Elections are won and settled on Election Day and not through the filing of nuisance petitions,”.
Nitong miyerkules, ilang Ilokano ang naghain ng petisyon upang diskwalipikahin si Marcos sa pagtakbo bilang pagkapangulo kaugnay sa tax-related convictions nito. Asik naman ni Rodriguez, batid ng kanilang kampo na puno lamang ng galit ang mga grupong nag-uudyok na harangin ang pagtakbo ni Ferdinand Marcos Jr. bilang punong ehekutibo.
Mga sanggunian: Philippine Daily Inquirer, Rappler