Ni Roy Raagas

PHOTO: Daily BNC News

Hustisya ang hinihingi ng karamihan matapos brutal na pinaslang ang dalawang magkapatid sa sarili nilang bahay sa Brgy. Bagontapay M'lang, North Cotabato, noong Disyembre 10.

Ayon sa ulat ng polisya, pinagsasaksak umano sina Crizzle Gwyn Maguad, 18, at si Crizvlle Louis Maguad, 16, ng umano'y hindi pa kilalang tao.

“For still unknown reasons, three unidentified persons entered the house then stabbed and beat up the victims,” wika ni Major Realan Manon, ayon din sa mga nakausap niyang saksi.

Tinitingnan ng mismong mga parak ang posibleng robbery case sa nasabing krimen dala nang kalat-kalat na gawi sa nasabing crime scene, gayunpaman wala pa itong kalinawan kung may nasamsam na gamit sa loob ng tahanan.

Bukod dito, nagawang makaligtas naman sa nasabing eksena ang kanilang pinsan na tinago sa pangalang "Janice" ng kapulisan. 

Naipuslit ng mismong babaeng menor de edad ang kanyang sarili sa maliit na silid ng kanilang bahay habang nakikita mismo ang karumal-dumal na pangyayari.

“She was able to post on social media asking for help,” ani Maj. Mamon.

Mula rito, bubuo ng special investigation task group (SIDG) ang mga awtoridad upang mas bigyang-pansin ang nasabing Maguad Killings sa North Cotabato.

Binubuo ang SIDG ng mga imbestigador mula sa police provincial office, Crime Investigation and Detention Group ng mismong lalawigan, Scene of the Crime Operatives, at lokal na polisya na pangugunahan ni Lt. Mary Grace Clua.

Nakipagtulungan na rin dito sina M’lang Vice Mayor Joselito Piñol at Mayor Pip Limbungan at magbibigay ng P200,000 and P50,000, sa makakahuli sa mga nasabing suspek.

Bukod pa rito, nakikipag-usap na si Piñol sa National Bureau of Investigation upang gumawa rin ng sariling imbestigasyon ukol dito.



PAALALA