Anti-child marriage bill, pirmado na ni Duterte
Ni Xhiela Mie Cruz
PHOTO: Suhaib Salem/Reuters |
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11596, 'An Act Prohibiting the Practice of Child Marriage and Imposing Penalties', na kamakailan lamang inilabas sa media noong Huwebes, Enero 6.
Ayon sa bagong batas na ito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapakasal sa mga bata at kung sinuman ang mapatunayang lumabag dito ay papatangan ng karampatang parusa.
Sa kabilang banda, kabaliktaran naman ito ng pahayag na inilabas ni Deputy Speaker Bernadette Herrera na nabasura na umano ang naturang proposisyon noong Disyembre 11 ng nakaraang taon.
Dagdag pa rito, na sa ilalim din ng nasabing kautusan ang pagkakaroon ng kaparusahan sa pag-iisang-dibdib ng menor de edad, pakikiisa sa mga sibil, tradisyonal o ispiritwal na mga samahang naglalayong ipagpatuloy ang ganitong kasanayan.
Kaugnay nito, isa ang Code of Muslim Personal Laws of the Philippines sa mga nagpapatupad ng pagpapakasal sa mga 18 taong gulang pababa at maaaring makipag-isang-dibdib sa edad na 15.
Samantala, maaari din umanong aprubahan ng Sharia District Court ang pagpapakasal ng isang batang babaeng mababa pa sa 15 ang edad subalit hindi bababa sa 12 taong gulang basta’t may patunay na isa na itong dalagita.
Base pa sa tuntuning ito, hindi rin pinapayagan ang pagsasama sa iisang bubong at maging ang pagkakaroon ng sekswal na interaksyon o pagtatalik sa pagitan ng bata at matanda o bata sa bata na wala sa ilalim ng kasal.
Bilang karagdagan, maaaring maparusahan ang mga taong nakiisa, nag-organisa, nagsagawa ng kasal ng menor de edad, at maging ang nakatatandang magkakaroon ng sekswal na interaksyon sa bata.
Kahit sinong indibidwal ay maaaring magtulak sa pag-iimbestiga ng kung sinumang mahuling lalabag dito dahil ang nasabing batas ay nasa ilalim ng pampublikong krimen.