Bar Exams iniurong sa Pebrero 4 at 6
Ni Xhiela Mie Cruz
Kinumpirma ni Associate Justice Marvic Leonen sa publiko na Pebrero 4, Biyernes at Pebrero 6, 2022 na ang bagong petsa ng bar examinations, bilang pagbibigay konsiderasyon sa mga examinees sa gitna ng tumitindi na namang banta ng COVID-19 sa bansa.
PHOTO: Supreme Court Philippines |
Ayon sa Korte Suprema, may kabuuang bilang na 8,546 examinees ang nagsabing maaaring positibo sa COVID-19, kasalukuyang naka-quarantine at may kasama sa bahay na positibo sa nasabing virus.
“Considering these numbers, as well as the projections of the Court’s expert consultants on the progress of this current COVID-19 surge, the Supreme Court En Banc has unanimously decided that the Bar Examinations be rescheduled,” pahayag ni Leonen.
Dagdag pa rito, ipinahayag din ni Leonen ang pasasalamat nito sa mga Local Government Unit (LGU) na mangunguna sa Command Center at nagsilbing testing centers.
“All examinees will be advised to strictly undergo quarantine by January 20, 2022, Thursday,” saad nito.
Samantala, maaari namang magpahayag ng mga katanungan o humingi ng tulong sa [email protected] upang matugunan ang mga ito.
“Be patient. Take a few days off to regain your composure and then continue with your preparations. Soon, those who have the determination, tenacity, and resilience to overcome these challenges will become great lawyers who will serve our people well,” sabi pa ni Leonen.
Sa kabilang banda, Enero 23 hanggang 25, taong kasalukuyan ang orihinal na petsa ng Bar examination.