BBM 'di raw papalag sa ‘hateful campaigning’?

Ni Cherry Babia

PHOTO: BBM (Facebook)

Hindi umano makikisali sa kahit anong 'hateful campaigning' si Bongbong Marcos, kasunod ng puna ni presidential aspirant Leni Robredo na sinungaling ito, ayon sa isang tagapagsalita. 

Ayon kay Attorney Victor Rodriguez, tagapagsalita ni presidential aspirant Bongbong Marcos, ang mabibigay lang umano ni Marcos ay ang kanyang hindi magpapatalong pamumuno.

"What presidential aspirant Bongbong Marcos is offering to the Filipino people is his unifying brand of leadership. He does not and will not engage in negative and hateful campaigning," ani Rodriguez sa naging interview noong Miyerkules.

Ito ay matapos ang kumakailang interview ni Robredo kung saan sinagot niya ang tanong ni Boy Abunda na bakit hindi dapat na iboto si Marcos Jr.

"Number 1 sinungaling," ani Robredo.

Sinabi rin niyang hindi dapat na iboto si Marcos dahil hindi naman ito nagpapakita tuwing humaharap ang bansa sa matinding pagsubok.

Gayunpaman, hindi pinaunlakan ni Marcos ang kamakailan lang na naging presidential interview ni Jessica Soho, at sinabing 'bias' daw umano ang nasabing veteran journalist sa pamilyang Marcos.

Sina Marcos at Robredo ay parehong tumatakbo sa posisyong pagkapangulo sa ngayong taong halalan. 


Edited by Danfe Lean Grace Elopre


Previous Post Next Post