Nagdaang Pasko at Bagong Taon, naging payapa — PNP
PHOTO: Lisa Marie David/Reuters |
Sa pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong sa bagong taon, inihayag ng Philippine National Police (PNP) na walang naitalang mga aksidente at sinabing "payapa" ang naging holiday season.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo B. Carlos sa kanyang naging assessment sa opening hours sa taong 2022, sa kasalukuyan ay patuloy na payapa at walang ‘untoward’ na mga insidente ang naitala sa buong bansa.
"Overall, the situation remains generally peaceful throughout the country with no major untoward incidents that marred the traditional festive Christmas and New Year revelry," saad ni Carlos.
Gayunpaman, iniimbestigahan ng pulisya ang di umanong apat na insidente ng ligaw na bala sa Ilocos Region, CALABARZON, Northern Mindanao, at Cordillera.
Tiniyak naman ng Police General na susuportahan ng local PNP units of forensic at technical support mula sa National Support Units ang imbestigasyon.
Sa kabila nito, ipinunto ni niya ang pagbaba ng mga bilang ng insidente ng ligaw na bala sa pagpasok ng taong 2022 mula sa nakaraang taon.
"No stray bullet deaths were reported during the entire holiday season until 6:00 am today," aniya.
Pinuri din niya ang local PNP units kasama ang LGU force multipliers sa naging masusing pagpapatupad ng lokal na Executive Order sa pagbabawal ng firecracker na nagresulta sa mababang tala ng mga pinsala ngayong taon.
Sa tulong ng 80,188 force multipliers, ang PNP ay mayroong 32,179 tauhan sa pulisya para sa pagpapatupad ng batas at pagsisiguro ng seguridad ng publiko sa naganap na holiday season.