Pagsusuot ng surgical face mask dagdag 'pogi points' ayon sa pananaliksik

 By Cherry Babia

PHOTO: Panay News

Sa panahon ngayon ng pandemya kung saan karugtong na ng ating buhay ang pagsusuot ng face mask tuwing lalabas ng bahay, bukod sa bigay nitong proteksyon laban sa virus, sinasabing "nakaka pogi" rin daw ang pagsusuot nito.


Sa isinagawang pag-aaral ng Cardiff University sa bansang England noong Pebrero nang nakaraang taon, lumalabas na mas 'attractive' ang mga kalalakihan at kababaihan na natatakpan ang mababang bahagi ng mukha, partikular na ang pagsusuot ng kulay asul na surgical masks.


Ayon kay Dr. Michael Lewis, isa sa mga nagpasimuno sa nasabing pananaliksik at isang eksperto sa psychological faces, una pa lang bago magsimula ang pandemya ay nagsagawa na sila ng pananaliksik tungkol sa pagsusuot ng face mask.


"Research carried out before the pandemic found medical face masks reduce attractiveness," ani Lewis.


"So, we wanted to test whether this had changed since face coverings became ubiquitous and [to] understand whether the type of mask had any effect," dagdag ng doktor.


Binubuo ng 43 kababaihan ang lumahok sa pananaliksik kung saan ire-rate nila ang 'attractiveness' ng 40 mukha ng lalaki, ang ilan ay mayroong suot na iba't-ibang klase ng face masks at ang iba naman ay walang takip sa mukha. 


Doon ay naipakitang mas marami ang bumoto sa mga kalalakihang mayroong suot na asul na surgical face mask. 


"Our study suggests faces are considered most attractive when covered by medical face masks," aniya.


"This may be because we're used to healthcare workers wearing blue masks and now we associate these with people in caring or medical professions," dagdag niya pa.


Sa kanilang naging pananaliksik noon bago pa man ang pamdemya, sinabi ng mga rumesponde na kadalasan ang nagsusuot ng surgical face masks ay mayroong sakit kung kaya ay iniiwasan ng mga tao noon. Ito umano siguro ang dahilan kung bakit hindi naging 'attractive' noon ang pagsusuot ng face masks kumpara sa kanilang bagong pananaliksik ngayon.


"The current research shows the pandemic has changed our psychology in how we perceive the wearers of masks," saad niya.


Idinahilan din niya na baka mas nakaka pogi ang pagsusuot nito dahil natatakpan ang mga hindi kanais-nais na tampok sa mababang bahagi ng mukha kagaya ng ilong at bibig.


"Some of this effect may be a result of being able to hide undesirable features in the lower part of the face — but this effect was present for both less-attractive and more-attractive people," paliwanag niya.



Previous Post Next Post