PDP-Laban Cusi faction sa pagkupkop kay BBM: We are still yet to be convinced
Ni Xhiela Mie Cruz
PHOTO: Philippine Star ; Yahoo! News |
Aminado ang PDP-Laban na hindi pa sila kumbinsidong maging running-mate ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio si former senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa darating na eleksyon.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, buong-buo ang suporta nila kay Sara dahil nakita umano nila kung gaano kakwalipikado ito na tumakbo bilang isang VP gaya ng alam nilang ipagpapatuloy nito ang nasimulan ng amang si kasalukuyang Pangulong Rodrigo Duterte.
"We are still yet to be convinced. Kasi kung kumbinsido na tayo at ganyan na talaga iyan, bakit hindi, ‘di ba?" ani Cusi.
"It is not just a question of what you hear or what they say. What is important is what they do. Iyon ang importante kasi sa pulitiko lahat, pati langit, pati impyerno ipapangako natin, pero ang kuwan doon ay ano ba talaga ang gagawin natin? So it is the credibility of the person," dagdag pa niya.
Sabi pa ni Cusi, wala umanong pinapanigan ang kanilang partido pagdating sa mga binabasehang pamantayan upang masala nila ang mga kandidatong kanilang bibigyan ng suporta at ieendorso sa masa.
"Who can advance, who can continue the program of the government of President Duterte, we are still in that process," pahayag ni Cusi.
Sa kabilang banda, ipinarating naman ni Vic Rodriguez, spokesman ni Marcos, ang panig nitong nasasabing “freedom of choice" ito ng PDP-Laban.
Nilinaw naman ng Lakas-CMD at Duterte-Carpio's regional party Hugpong ng Pagbabago na walang namamagitang alyansa sa pagitan nila at ng PDP-Laban kaugnay na ang usapin tungkol sa pagbibigay nito ng buong suporta Kay Sara.
"As far as the Partido Federal ng Pilipinas, the party of presidential aspirant Bongbong Marcos, and the UniTeam are concerned, such 'adoption,' though a UNILATERAL move by the PDP-Laban (Cusi faction) deserves our utmost respect," aniya.
Dagdag pa rito, nabanggit naman ni President Duterte na kaisa siya sa suportang patuloy na ibinibigay ng PDP-Laban sa anak na si Sara.