'Unvaxxed' Novak: No shot! para sa ika-21 na Grand Slam; Hinarap ang pagkansela ng visa
By Jonheethan Ken Bajo
Photo: The New York Times |
Bigong malampasan ni world's best tennis player Novak Djokovic ng Serbia ang naka-ambang pagkansela sa visa nito, matapos ibaba ng Australian Government Federal Court ang hatol sa pag-dismiss ng deportation appeal ng atleta, dahilan upang maharang ang pagkamit nito sa ika-21 Grand Slam record para sa nasabing laro ngayong taon.
Ani Australia’s Federal Court James Allsop, "The orders of the court are that the amended application be dismissed with costs,” pag-aanunsyo ni Allsop sa naging husga ng korte.
Nagtapos ang ika-11 araw na pakikipagbuno ng unvaccinated superstar para sa pananatili nito sa Australia bilang daan para sa inaasam na historic campaign nito tungong ika-21 na Grand Slam. Ngunit sa huli, nanatili pa rin ang paninindigan ng Australian government sa patas na implementasyon ng batas.
Lumipad patungong Dubai ang 34-year old Serbian smasher nang may bakas ng pagkadismaya, ngunit nananatili pa rin aniya ang kaniyang respeto sa naging husga ng Australian government.
"I am extremely disappointed with the Court ruling to dismiss my application for judicial review of the Minister's decision to cancel my visa, which means I cannot stay in Australia and participate in the Australian Open," wika ni Djokovic.
“I respect the Court's ruling and I will cooperate with the relevant authorities in relation to my departure from the country," dagdag pa niya.
Isa sa mga matibay na basehan ng korte ayon kay Immigration Minister Alex Hawk ay ang naging pagtindig ng atleta bilang umano’y ‘vaccine skeptic’, na posibleng mag-udyok sa sentimyento ng mga anti-vaxxers, at humikayat ng mga protesta sa gitna ng banta ng pandemya.
Pinabulaanan naman ng abogado ni Djokovic na si Nick Wood na wala umanong koneksyon ang kanyang kliyente sa mga anti-vaxxer movements, at hindi pa alam ng kanilang gobyerno ang paniniwala nito patungkol sa isyu, sa kabila ng pagiging unvaccinated ng atleta.
Nagpalipas ng isang linggo si Djokovic sa immigration detention dahil sa pagtanggi nitong magpabakuna na siyang dahilan ng dalawang beses na pagkakarevoke sa VISA nito, dahilan upang maharang ang pagpasok ng atleta sa nasabing bansa.
Agaran namang tumugon si Government Lawyer Stephen Lloyd, na sapat na naman ang ebidensya na nakalap upang patunayan ang paglabag sa mga rekisito ng atleta. Bukod sa ayaw nitong magpabakuna sa loob ng dalawang taon, pumalya rin umano ito sa pagsunod sa safety measures at isolation protocols habang kasalukuyan siyang positibo sa sakit.
Sa kabila ng naging desisyon, nanatili ang respeto at pagtugon ng National Federation na nagpapatakbo ng torneo, gayundin ang Association of Tennis Professionals (ATP), sa naging husga ng naturang kaso.
"We look forward to a competitive and exciting Australian Open 2022 and wish all players the best of luck," wika ng pederasyon.
Kung mapalad na pumabor kay Djokovic ang desisyon, mahihigitan niya ang kanyang mga karibal sa "tennis triumvirate of greatness" na sina Roger Federer at Rafael Nadal na may patong na tig-20 grand slams, sa bisa ng ikatlong sunod na depensa sa kampeonato ng Australian Open, na mayroon ng kabuuang sampung koleksyon.