Halaga ng bogus booking kay Guanzon, umabot sa higit P5k
Ni Cherry Babia
Sa mismong huling araw ng kanyang trabaho, February 2, nabiktima si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ng mga bogus booking.
PHOTO: One News / Abogado / Philippine News |
Sa mismong huling araw ng kanyang trabaho, February 2, nabiktima si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ng mga bogus booking.
Ayon sa report ni Manny Vargas sa Super Radio dzBB, tinatayang nasa anim o pitong delivery riders ang nagsidatingan sa opisina ng komisyoner sa Palacio del Gobernador sa Maynila.
Nakapangalan umano kay Guanzon ang mga pagkaing inorder gamit ang ilang food delivery apps. Mabilis namang itinanggi ng opisina ni Guanzon ang naturang mga bogus bookings.
“Ang sasama nila. Kawawa mga pobreng food riders.”
Napaulat na higit sa limang libong piso ang halaga ng fake food delivery orders na naipadala sa tanggapan ng opisyal.
Ayon sa Twitter post ni Guanzon, kagabi pa umano ito nagsimula at pinaniniwalaang bahagi ito ng panghaharass sa kanya.
Iniimbestigahan naman na ng mga otoridad ang sinasabing bogus booking.
Samantala, magsisimula ang opisyal na pagreretiro ni Guanzon bukas, Pebrero 3.