HULI KA HENNY! Manok pumatok sa madla matapos manghimasok sa Pentagon ‘high security zone’

Ni Roland Andam Jr.

PHOTO: AWLA (Facebook)/iStock Photo

Tiklo ang isang manok sa Amerika matapos nitong ‘sisiw’ na nalusutan at napasok ang high security zone ng Pentagon na bantay-sarado ng mga armadong militar.

Ayon sa ulat ng Agence France-Prese (AFP), hindi tinukoy ng mga awtoridad kung paanong na-trespass ng manok ang Pentagon na headquarters ng Department of Defense ng Estados Unidos. 

Bagaman ikinabigla ng mga nagbabantay sa lugar ang panghihimasok ng manok, kalauna'y nahuli rin ang hayop nang makorner ito ng mga guwardiya bunsod na rin ng nagyeyelo sa lamig na panahon. 

Matapos mahuli, sunod namang ipinasakamay ang manok sa kustodiya ng Animal Welfare League of Arlington, isang local animal shelter.

PHOTO: Welfare League of Arlington

“Very early this morning, this chicken was caught sneaking around the security area at the Pentagon (we're not kidding) and our officers were called to come pick her up,” pahayag ng animal shelter sa isang Facebook post kalakip ang larawan ng manok. 

Anila pa, mananatili pa muna sa kanila ang naturang ibon hanggang sa makahanap sila ng bagong magiging tahanan nito. 

“Sgt. Ballena brought her safely to the shelter where she'll stay until we find a new home for her!” saad ng samahan. 

Hiningan din ng grupo ng suhestyon ang madla ukol sa maaaring maging pangalan ng manok na siya namang galak na ginatungan ng ilang netizens. 

“Colonel Sanders,” tugon ng isang netizen.

Suhestyon naman ng isa pa, “Penny (Pentagon) of course! Full name HennyPenny.”

Kalaunan, “Henny Penny” ang napili ng grupo na ibansag sa manok. 

Bukod sa pagmumungkahi ng ipapangalan sa naturang hayop, may ilan ding nagpahayag ng interes na kupkupin si Henny Penny.

“We would love to add her to our flock! When she be available for adoption?” saad ng isang Facebook user. “I'll take her! She looks like a Cinderella to me,” comment naman ng isa pa. 

Samantala, nakaabot na rin maging sa tanyag na American talk show na “The Tonight Show Starring Jimmy Fallon” ang patungkol kay Henny Penny.

Sa katunaya'y ginawan pa ito ng isang kanta ng host na si Jimmy Fallon na pinamagatang “Chicken at the Pentagon” sa isang episode ng naturang programa.

“Well, Henny Penny is officially famous - last night, Jimmy Fallon performed a song about her on the The Tonight Show Starring Jimmy Fallon!” pahayag pa rin ng animal shelter sa isang kahiwalay na Facebook post. 

“Henny Penny is so honored that he wrote a song about her! She loves it…but she has some feeling about the BBQ sauce line as you can see. But she says she’ll overlook that,” biro pa ng grupo.

Previous Post Next Post