BUHAY PA, LALABAN PA: Ginebra, Alaska, tuloy ang laban para sa matamis sa PBA Gov's Cup semis spot

Ni Winlei Kim Castro

PHOTO: PBA (Facebook)

Hindi pa tuluyang nasipa sa PBA Playoffs ang 7th-seeded Alaska Aces matapos dominahin ang NLEX Road Warriors, habang nalusutan naman ng new-look Ginebra San Miguel ang TNT Tropang Giga kanina sa Smart Araneta Coliseum.

Patuloy ang pamamalagi ng Aces sa quarterfinals ng naturang liga matapos ang 93-79 win kontra sa Road Warriors at mapwersang magkaroon ng do-or-die quarterfinals.

Kumolekta ng 16 puntos, anim na rebounds, at 6/13 field goals si former De La Salle Archer Jeron Teng, dahilan upang siya ang maitanghal na best player of the game.

Sa kabilang banda, nailista naman ng Ginebra ang 1-0 kalamangan sa serye kontra sa 2nd-seeded Road Warriors, 104-92.

Si Padada, Davao del Sur pride Scottie Thompson naman ang nanguna sa Ginebra San Miguel. Nagtala ang PBA Veteran ng 23 puntos, 15 rebounds, at walong assists.

Samantala, bukas naman maghaharap ang San Miguel Beermen at Meralco Bolts, kasama ang Magnolia Hotshots at Phoenix Super LPG Fuel Masters.


Iniwasto ni Kyla Balatbat
Previous Post Next Post