Duterte, nais ‘iregalo’ ang Gabinete sa susunod na admin
Ni Ricci Lim
PHOTO: Rappler |
Sa kanyang public address nitong Lunes, ika-28 ng Pebrero, ipinahayag ni President Rodrigo Duterte na ang kanyang Gabinete ay may “best minds” sa kabila ng iba na pumalpak sa kanilang mga tungkulin at handa na siyang “iregalo” ang mga ito sa susunod na administrasyon.
Mga “valedictorians” daw ang kanyang pinili para rito, "I got the best minds… May palpak lang ako ng iilang Cabinet member," aniya.
Sinabi rin ni Duterte na siya ay humanga sa mga natapos na mga proyekto na inilista ni Transportation Secretary Arthur Tugade.
"Your passion for achievement has always been there... Maligaya ako sa para sa bayan na kinuha kita," ani Duterte.
Pinuri rin nito ang mga nagawa nina COVID-19 vaccination chief Carlito Galvez Jr., Defense Secretary Delfin Lorenzana, at Finance Secretary Carlos Dominguez III.
“Kung maregalo ko kayo (I will give you as gifts), Tugade, ikaw (you), Delfin Lorenzana, eh di ayos ang Pilipinas (the Philippines will be okay),” ani nito.
“I could have not chosen better men,” dagdag pa ng Presidente.
Nabanggit din ni Duterte ang kagustuhan ni Tugade na magretiro at ayon sa kanya, "Sabay-sabay na tayo lahat, puro naman ng… Ang hindi lang retirable dito si Secretary Briones."
Iwinasto ni: Phylline Calubayan