Ni Daniel Enrico Chua

PHOTO: Rappler

“Ang gusto ko sana, sana ‘di na mauwi sa kung sinu-sinong kaibigan, kabarilan, ka-chikahan. Sana for a change ang pipiliin kagalingan na lamang. Katapatan.”

Ito ang panayam ni Senator Imee Marcos bilang aasahan niya na magiging gabinete ng kaniyang kapatid na si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung sakaling manalo man ito bilang pagkapangulo.

Nitong Huwebes, March 24, marami na ang nakikipag-gitgitan sa audition bilang susunod na gabinete ni Marcos kapag ito ay nahalal man.

“Ang dami-dami nago-audition na maging Cabinet, marami talagang dati ayaw pumasok sa gobyerno, ngayon nagbo-volunteer. Pero wala pang nakatakda,” giit ng senadora sa isang Pandesal Forum.

Kaakibat nito, matatandaan na ipinahayag rin ni Marcos noong Enero na siya ay bukas sa lahat ng kanyang mga kamag-anak bilang gabinete niya kung ito ay may sapat na kagalingan sa pamamahala.  

“Magiging napakahirap ang susunod na administrasyon, napakahirap ng trabaho niya at yung first 100 days dapat kaagad agad makakita ang tao ng pagasa sa kabila ng hirap,” dagdag pa niya. 

Gayunpaman, kahit nangunguna ito sa pre-election surveys, marami pa ring pambabatikos ang natatanggap ng presidential aspirant sa kabila ng kanyang pagtanggi sa mga presidential debates. 


Edited by: Phylline Calubayan