Nets binuhat ni Durant, ginawang bata ang 76ers

Ni Sebastian Lei Garcia

PHOTO: Inquirer Sports

ALIAGA - Pinangunahan ni Kevin Durant ang Brooklyn Nets makaraang mag-ukit ng 25 puntos at  pitong assist upang dominahin ang Philadelphia 76ers,129-100 at para magdagdag ng isang panalo sa kanilang 34-33 kartada.

Kasabay na bumuhat ni “Slim Reaper” Durant ay sina Seth Curry at Kyrie Irving na nagpaskil ng halong 46 baskets sapat upang angkinin ng kanilang koponan ang panalo laban sa Sixers.

Naselyuhan na ang naturang laro sa simula pa lamang ng ikatlong kwarter matapos isalpak ni Durant ang kaniyang 3-pointer upang iabante ang agwat sa 25-puntos at ibaon ang 76ers sa putukan sa kanila mismong teritoryo.

“Well we know this team, their fast-paced team, and they like to play physical, get to the free throw line, so I thought we did a good job of not fouling,” ani Kevin Durant matapos tanungin kung ano ang naging sikreto sa kanilang panalo.

Samantala, hindi naging maganda ang salubong kay bagong trade Ben SImmons sa kanyang dating fans sa 76ers, at hindi din naging mahalimuyak ang ihip ng hangin para kay James Harden matapos magpasok lamang ng 11 puntos sa 3-17 FG.

Sa kabila ng masagwang talo ng 76ers, nagpakawala si Joe Embiid ng 27-puntos upang pahirapan ng kaunti ang Nets at para makipagsabayan kay Durant mag-suksuk ng basket.

Makikipagsagupaan naman ang Nets kontra New York Knicks sa darating sa Lunes, habang haharapin ng 76ers ang Orlando Magic sa araw ding yoon.



Previous Post Next Post