UNANG PANALO: Angels, lumusot sa Purest Water Defenders; unang panalo sa 2022 PVL Open Conference, ini-ukit

Ni Winlei Kim Castro

PHOTO: PVL Media Bureau

Dominanteng simula sa 2022 PVL Open Conference ang ipinakita ng Petrogazz Angels matapos malusutan ang BaliPure Purest Water Defenders, 3-1, ika-17 ng Marso, Paco Arena.

Pumalo ang Angels ng isang 4-setter win kontra Purest Water Defenders, 25-14, 25-20, 23-25, 25-21, dahilan upang maitala ang kanilang unang panalo sa naturang liga.

Pinangunahan ni Grethcel Soltones, Mar Jana Phillips, at Mary Remy Joy Palma ang Angels na pare-parehong kumolekta ng 12-puntos.

"Siguro nagfocus lang kami sa laro namin and nag-aadjust kung ano dapat iadjust and ilaro lang namin kung ano ang nilalaro ng bawat isa," ani Aiza Maizo-Pontillas.

Sa kabilang banda, hindi naman naging sapat ang 19 big points na inukit ni Janine Marciano upang mabaliktad sa kanilang panig ang laro.

Haharapin ng Angels ang PLDT High Speed Hitters, habang Creamline Cool Smashers naman ang kakalabanin ng Purest Water Defenders sa ika-23 ng Marso.


Iniwasto ni Kyla Balatbat
Previous Post Next Post