Comelec sa mga magpapakalat ng fake news: We will go against them

Ni Xhiela Mie Cruz
PHOTO: Inquirer.Net

Binantaan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga maglalakas-loob na magpakalat ng maling impormasyon dahil tanging mga negatibong epekto lamang umano ang dulot nito sa bansa.

Ani Comelec Commissioner George Erwin Garcia noong Miyerkoles, desidido ang Task Force Kontra Fake News na magkaisa upang labanan ang lahat ng maling impormasyong kumakalat.

“It is only against the institution against the integrity of the commission but the TF [task force] will not go against anyone who is opposing the Commission on Elections or anyone who is criticizing the Commission on Elections, but any misinformation or misinformation directed against the integrity, we will go against them," saad ni Garcia.

"We will file a case against them, we will utilize the full force of the law including the combined forces of the PNP [Philippine National Police] and the NBI [National Bureau of Investigation] [anti-]cybercrime to track down disinformation," dagdag pa niya.

Babala pa ni Garcia, kasalukuyan pa umano nilang pinag-aaralan ang mga palatuntunan na kanilang susundin bilang panimula ng kanilang pakikipaglaban sa mga ito.

Sa kabilang banda, sinabi pa ni Garcia na kinokonsidera nila ang mga maling impormasyon bilang paglabag sa Cybercrime Prevention Act.

“We have a lot of punishable acts under the Revised Penal Code,” paalala ni Garcia.

Sa huli, ipinahayag ni Garcia na wala pa umanong pormal na mamumuno sa nasabing bagong samahan.


Iniwasto ni Maverick Joe Velasco
Previous Post Next Post