Ni Lynxter Gybriel Leaño

PHOTO: Philippine Star
Inulan ng samu’t saring negatibong reaksyon ang pangangampanya ng senatorial bet na si Herbert “Bistek” Bautista matapos yakapin at halikan ang babaeng sumusuporta sa kanya nang magkampanya ito sa Ormoc City, Abril 9.

Isa sa komento mula sa mga netizen ay ang salitang “kadiri” nang makita ang apat na minutong bidyo na nagtrending pa sa social media.

Makikita sa bidyong kinakantahan ni Bistek ang naturang babae at sunod na niyakap at hinalikan.

Kilala si Bautista bilang aktor na bitbit ang pangalang “Bistek” at naging alkalde sa Lungsod ng Quezon sa pangatlong pagkakataon.


Eksena sa Kampanya

Pagkatapos kumanta ni Bautista, tinanong niya ang babae kung puwede niya itong halikan.

Tinawanan lamang ito ng mga manonood at sinuportahan pa na kalaunan ay hindi natuloy ang pagtangkang paghalik hanggang natumba siya malapit sa kinauupuan ni Senador Win Gatchalian.

“Mayor, I’ll give this one a peck or should you be the first one doing it?” tanong ni Bistek kay Ormoc Mayor Richard Gomez.

Pumayag naman ang babae na halikan ito ng naturang politiko.

“Ah, to those taking videos, I mean no malice with my kiss, but some sectors might say we are being disrespectful to the woman. That’s not the case. Just asking permission,” panawagan naman ni Bautista sa mga manonood bago gawin ang paghalik

Dahil dito, maraming negatibong komento ang nabuo kagaya ng pagtawag sa kanya ng “Pervert Bautista” at ang tamang desisyon ni Kris Aquino na noo’y naging nobya niya sa paghinto ng kanilang relasyon.

 

“Distasteful theatrics”

Kaugnay nito, umalma rin si House Assistant Minority Leader at Gabriela Representative Arlene Brosas sa mga ginagawa ni Bautista sa entablado at tinawag na “distasteful” sabay sabing kapag ang mga kampanya ay nagpapakita ng diskriminasyon laban sa mga kababaihan ay nararapat na mapapatawan nang naaayon sa batas.

“This is not about the female supporter agreeing to be kissed. This is about Bautista using the female supporter for his macho power play in a vain attempt to boost the Uniteam campaign really. Cheap degrading theatrics can’t make up for the lack of meaningful platforms for the people,” pahayag ni Rep. Brosas.

Dagdag pa niya na hindi dapat ginagamit ang mga babae bilang panglibang para sa mga tao sa kasagsagan ng kampanya dahil malaking insulto raw ito sa kapasidad ng mga babaeng Pilipino.

Sa kasalukuyan, hinihingan pa ng komento mula kay Bautista kung ano ang reaksyon niya sa kanyang isyu. 


Iniwasto ni Niko Rosales