‘Biritan yern?’: Mga kanta sa Completion Rites sa Agusan Del Sur, kinagiliwan online

Ni Jimwell Aquino

PHOTO: INQUIRER.net

Tila ba modules will never be enough para makapagtapos ang mga Grade 10 student sa Agusan del Sur dahil kailangan muna nilang sumabak sa biritan sa kanilang end-of-school year ceremony. 

Sa inilabas na memorandum ng Schools Division of Agusan del Sur, nakatakdang awitin ng mga estudyanteng magtatapos ng junior high school ang "Never Enough" ni Loren Allred, isang kantang pinasikat ng pelikulang "The Greatest Showman."

Mapaghahalataan ring na-LSS ang nag-isip ng line-up songs dahil aawitin naman ng mga mag-aaral na magtatapos ng elementarya ang kantang "A Million Dreams" na naging hit song din sa naturang pelikula.

Agad naman itong pinag-usapan online at maraming netizen ang nag-aabang sa nasabing completion ceremony dahil nais nilang makita kung paano ito aawitin ng mga estudyante.

May ilan sa kanilang nagtataka kung maaabot ba ng mga mag-aaral ang high notes at ang ilan naman ay ginawang katatawanan ang nasabing song choice.

Samantala, kakantahin naman ng mga nasa kindergarten ang awiting "Tomorrow" ni Annie, at aawitin naman ng mga nasa senior high school ang iconic song na "Goodbye High School" ni Kaitee Dal Pra sa kanilang graduation ceremony. 

Wala pang naging reaksyon ang naturang schools division sa kanilang nag-trending na kautusan.


Iniwasto ni Audrei Jeremy Mendador 
Previous Post Next Post