BASER BEATER BUZZER: Amer, Blackwater binigo ang Phoenix

Ni Jea Elijan De Pablo

PHOTO: Daily Tribune

Nagpakawala ng go-ahead- two si Baser Amer sa natitirang 2.1 segundo para buhatin ang  Blackwater Bossing kontra sa Phoenix Super LPG, 91-89 sa PBA Phillipine Cup na ginanap sa Araneta Coliseum nitong Biyernes.

Naging daan ang jumpshot ni Amer para mapanatili ang grupo sa ikatlong spot karga ang 5-1 win-loss record.

"I told Baser, 'Baser you're gonna backdoor to Rashawn. If it's not there, take the shot,'" ayon kay Blackwater head coach Ariel Vanguardia.

Maagang rumagasa ng 16-19 start ang  Phoenix, buhat ng 6 points ni Jason Perkins.

Sinubukang makaahon ng Blackwater sa ikalawang yugto ngunit hindi ito pinayagan ng  Fuel Master Tyler Tio matapos humataw ng dalawang three point shot, 36-42.

Bigong mahabol ng opensiba ni Bossing Renato Ular ang Phoenix sa 3rd quarter.

Naging dikdikan ang laban, kung saan nailapit  ni Yousef Taha sa pamamagitan ng isang 2 point shot  at free- throw ang Blackwater 89-89 all sa natitirang 25 segundo ng huling yugto.

Matapos magmintis sa tres si Mathew Wright, dito nabigyang pagkakataon si Amer para tuldukan ng isang pamatay-sunog na dos ang laban.

Nag-ambag si Amer ng siyam na puntos na may 4 rebounds, 2 assists at steal.

Nanguna naman ang Player of the week Rookie Renato Ular sa pagpundar ng kaniyang career-high na may 34 puntos kalakip ang 10 rebounds at 15/21 field goals.

Habang ang katuwang nilang si Brandon Ganuelas-Rosser ay humataw naman ng 16 puntos, kung saan naging daan ang pagbitaw niya ng tres para panghawakan ng Bossing ang final 6.1 segundo ng laro.

Usad na sa best-of-three series ang Blackwater kung saan makakaharap nila ang San Miguel Beer sa Linggo.

"Sinabi ko sa kanila (Bossing) best-of-three ito. We have to get Game One, then on Sunday that's the clincher. It's always hard to close (out) a series, against the No. 1 team pa."ani Vanguardia.


Iniwasto ni Irene Mae Castillo
Previous Post Next Post