Creamline muling umalagwa kontra Petro Gazz; PLDT diniskaril ang Chery Tiggo
Ni Patrick Pasta
Binarikadahan ng Creamline Cool Smashers ang naitayong pangalan matapos muling angkinin ang bakbakan kontra Petro Gazz Angels, 3-1 (25-22, 23-25, 25-22, 25-20), sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference na ginanap sa Filoil Flying V Center, Martes.
Kumalas mula sa mahinang simula ang Creamline matapos trumabaho ng 16-8 run mula sa 8-point advantage ng Petro Gazz, sapat upang maitabla ang iskor, 20-20, sa pangunguna ni Tots Carlos.
Nagpatuloy ang dominasyon ng defending champions sa huling bahagi ng unang set, at dulot ng long spikes ni Jema Galanza, na sinamahan ng errors ng katunggali, naselyuhan ito sa iskor na 25-22.
Muling umariba sa ikalawang set ang Angels kaya't kinailangan muling maghabol ng Cool Smashers, subalit nanaig ang una, 23-25, bunsod ng pinagsamang opensa ni Myla Pablo at depensa ni MJ Philips.
Kapansin-pansin rin sa set ang ilang unforced error ni Alyssa Valdez bagama't nakapagpasok siya ng ilang sharp spikes at down-the-line.
Dikit ang naging sagupaan sa simula ng ikatlong set, ngunit kumabig ng puntos sina Risa Sato, Carlos, Galanza, at ang nagbabalik na si Michelle Gumabao upang maangkin ang ikatlong yugto, 25-22.
Naging mas malinis kumpara sa mga naunang set ang reception at coordination ng Creamline sa ikaapat na yugto matapos patuloy na ipamalas ang kanilang dominasyon hanggang sa tuluyang matuldukan ang laro sa service error ni Philips, 25-20.
Kinilalang player of the game si Jia Morado-de Guzman matapos itarak ang 27 excellent sets– inaasahang play mula sa batikang manlalaro.
Pinanghawakan ng Cool Smashers ang kanilang korona sa Open Conference kung saan una na nilang dinomina ang championship laban sa Angels.
Sa kabilang banda, winalis ng PLDT High Speed Hitters ang short-handed Chery Tiggo Crossovers matapos selyuhan ng 3-0 tagumpay, 25-18, 25-19, 25-14, upang masiguro ang kanilang unang panalo sa kumperensya.
Itinanghal na player of the game si Mika Reyes na lumikom ng 15 puntos mula sa 12 attacks at tatlong blocks.
"Personally, I think nagsa-start talaga s'ya sa training...since nag-start sa training, nadadala namin sa game," pahayag ni Reyes patungkol sa pinagmumulan ng kanilang kumpyansa sa mga laro.
Idinagdag pa ng PLDT middle hitter/blocker na maging ang maliliit na ball play sa training ay ipinagbubunyi nila kung kaya't nadadala nila ito sa laro, at nagbunga ang off-season training ng koponan.
Umagapay si Chin Basas kay Reyes matapos magtarak ng 13-of-37 attacks at lumikom ng kabuuang 14 na puntos.
Naglista naman ng 21 excellent sets si Rhea Dimaculangan salamat sa mahusay na ball distribution habang 11 lamang ang naipamalas ni Jasmine Nabor, katapat niya sa Chery Tiggo.
Samantala, iginapang ni Mylene Paat ng Crossovers ang pag-iskor matapos magposte ng siyam na puntos, na sinundan ng anim ni Maika Ortiza.
Dehado pang makaresbak ang Crossovers bunsod ng pagkawala ng mga orihinal na starting players, ilan na ang Santiago sisters — Jaja Santiago, Dindin Santiago-Manabat — na may tinatamo pang ankle injury, EJ Laure at Buding Duremdes.
Mayroon nang tig-isang panalo ang Creamline Cool Smashers at PLDT High Speed Hitters habang nagtamo ng 0-2 win-loss marka ang undermanned Chery Tiggo.
Iniwasto ni Irene Mae D. Castillo
PHOTO: Premier Volleyball League |