Filipinas kinalos ng Thailand, lagapak sa ikalawang pwesto ng Group A
By Manuel Arthur Machete
Dismayado ang Philippine Women’s National Football Team matapos maisalba ni Thai forward Kanyanat Chetthabutr ang headkick mula sa highball ni Somnuek, daan para maiukit ang 1-0 bentahe at ilaglag ang Malditas sa ikalawang pwesto ng Group A sa ASEAN Football Federation (AFF) Women’s Championship sa Rizal Memorial Football Stadium, Martes.
Nahablot ng Thailand Women’s National Football Team ang liderato sa kanilang grupo makaraang magtala ng 13 points bunsod ng 4W-1D kartada, habang nasadlak naman sa ikalawang pwesto ang Filipinas nang makapag-ukit ng 12 markers dala ng 4W-1L standing.
“One by one, the team has cultivated the skill to problem solve every problem we have,” saad ni Thai head coach Miyo Okamoto sa isang translator.
“Tonight, we were able to show that in the game,” dagdag pa niya.
Bunsod ng miscue sa pagitan ni Filipina defender Dominique Randle at goalkeeper Olivia McDaniel, naiposte ni Chetthabutr ang tangkang headkick mula sa highball ni Thai midfielder Ploychompoo Somnuek sa ika-74:26 minuto, 1-0.
Napayukod pa si Filipina standout Sarina Bolden sa huling 2 minuto nang magmintis ang kaniyang unang goal kick makaraang hindi ipasok ni coach Alen Stajcic sa first half.
Bagama’t bigong mapanatili ang liderato sa Group A, uusad pa rin ang Filipinas sa semifinals kasama ang War Elephants. Makakaharap ng Thailand ang matatalo sa dwelo ng Vietnam at Myanmar na gaganapin sa Miyerkules.
PHOTO: INQUIRER.NET |

Iniwasto ni Irene Mae Castillo