Ni Elaizarose Golfo

Nakahahangang makakita ng isang panda lalo na sa personal. Masasabing napakakyut nitong tingnan at nakagigila-gilalas pagmasdan. Nakalulungkot isipin na isa sa mga panda na nagmarka sa kasaysayan ay namaalam na.

Photo courtesy of REUTERS Connect

Nakaaawang isipin kung muli itong maging “endangered species” o isang hayop na malapit nang maubos. Tinagurian pa naman itong pambansang hayop ng Tsina at hindi lang kagandahan ang ambag nito.

Ayon sa World Wildlife Fund (WWF), malaki ang naitutulong ng mga panda, lalo na upang lumaki ang mga halaman sa kagubatan, dahil kaya nitong maikalat ang mga binhi. Isa pa ay nagsisilbi itong ‘host’ o ang tinitirhan ng mga maliliit na organisms kagaya ng dwarf blue sheep at multi-coloured pheasants.

Dagdag pa ng WWF, kasama rin nitong napoprotektahan bilang host ang ibang endangered species kagaya ng golden snub-nosed monkey, takin, at crested ibis na nagbibigay ng kaayusan ng ecosystem. 

“The panda’s habitat is also important for the livelihoods of local communities, who use it for food, income, fuel for cooking and heating, and medicine,” pahayag ng nasabing samahan.

Bagama't maraming nabibigay na benepisyo ang mga panda, hindi pa rin ito napapansin ng karamihan. Kaya’t ang katulad ni An An, ang pinakamatandang lalaking panda, ay hindi lamang isang walang saysay na pagkawala. 

Ayon sa Ocean Theme Park sa Hong Kong kung saan inalagaan ang lalaking panda, namatay ito sa edad na 35 ngunit kung ikukumpara sa edad ng tao ay 105 taong gulang ang katumbas nito.

Dagdag pa rito, nagtala si An An ng mataas na blood pressure, pangkaraniwan lamang sa mga malalaking pandas tulad niya. Sa kasamaang palad, lumipas ang tatlong linggo ay lalong lumala ang kondisyon nito at tumigil na sa pagkain ng matigas. Iyon na pala ang hudyat na unti-unti na itong namamaalam.

“To prevent him from further suffering, the procedure of humane euthanasia was performed at approximately 8:40 a.m. at An An’s home in the Hong Kong Jockey Club Sichuan Treasures at the facility," saad nila.

Base sa kanila, isa itong Chinese panda na iniregalo lamang noong 1999. Kasabay ng pagbigay kay An An ay ibinigay rin ang itinuring na pinakamatandang babaeng panda na inalagaan nila na si Jia Jia na namatay noong 2016 sa edad naman na 38 taong gulang.

"An An has brought us fond memories with numerous heart-warming moments. His cleverness and playfulness will be dearly missed," wika ni Paulo Pong, chairman ng Ocean Park Corporation. 

Sa pagkawala ni An at Jia, dalawang ‘giant pandas’ na lamang ang natitira sa naturang park — si Ying Ying, isang babaeng panda at ang lalaking panda na si Le Le. Ibinigay sila ng Beijing, Tsina noong 2007 at umaasa ang Ocean Park na magkakaroon ito ng anak, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang sanggol.


Iniwasto ni Maverick Joe Velasco