Pagbuo ng grupo ng tagapayo vs. COVID-19, iminungkahi ng dating NTF adviser

Ni Xhiela Mie Cruz

PHOTO: Lyn Rillo / INQUIRER.net

Inihain ni dating adviser ng National task Force Against COVID-19 na si Dr. Tony Leachon ang pagbuo ng bagong gobyerno ng isang grupo ng mga eksperto na magsisilbing mga tagapagpayo ni President Ferdinand Marcos Jr. at magiging katuwang nito sa patuloy na pakikipaglaban sa pandemya.

Aniya, kinakailangan umano ng pangulo ng magiging kaagapay na karapat-dapat sa posisyon nang mapagtagumpayan ang mga problema na dulot ng COVID-19.

"If not a sole adviser, you can have a group of advisers that can give right away some opinions to the president, again without having any pressure from political or business side," pahayag nito habang na sa ANC Headstart interview.

Ayon sa kanya, kabilang dito sina Rontgene Solante, Edsel Salvana, at ang Philippine College of Physicians at ang Philippine Medical Association bilang maaaring maging bahagi ng naturang grupo sa bagong administrasyon.

Sinabi pa ni Leachon sa panayam na makapagdudulot ng “sense of urgency” sa pamahalaan  ang pagtatalaga ng isang kalihim ng kalusugan na kasalukuyang hindi pa pinapangalanan ni Marcos Jr. 

"We need a leader that can establish a roadmap, a vision…  Once you have a secretary of health, the first 100 days setting will be created. This would actually trigger a sense of urgency mindset so that the health agency and people will stay focus on that. I'm sure they're looking for the right candidate at this point in time," giit pa nito.

Gaya ng pahayag ni Leachon, dapat magkaroon ng pakialam at kabigatan sa paglilingkod ang bagong direktor ng DOH para sa kapakanan ng mga Pilipino.

"Someone with courage…somebody that can endure the challenges of the different sectors. Pinakahuli is God-fearing. When you have God with you, I don’t think you will fail.,” saad ni Dr. Leachon.

Iniwasto ni Maverick Joe Velasco
Previous Post Next Post