Cable cars ni Padilla, dinepensahan; ‘pansamantalang solusyon’ lamang sa trapiko

Ni J Rosh Macasero

“It will not, it will alleviate the situation, it will not solve the traffic.”


Photo Courtesy of Palafox Associates/DerekTeo/Shutterstock


Ito ang naging dipensa ni Architect Felino “Jun” Palafox Jr. sa kabila ng mga batikos sa iminungkahing cable cars ni Senator Robinhood Padilla.

“Kailangan lahat ng transportation modes tingnan na natin,” dagdag ni Palafox sa panayam ng TeleRadyo nitong Lunes, Agosto 15.

Binanggit din ni Palafox na matagal nang iminumungkahi ang paggamit ng cable cars sa bansa.

“Marami na po pino-propose, like sa Davao, connecting Davao and Samal Island, even in Boracay and Caticlan, tapos may mga proposal din kami, sa Metro Manila matagal naman na-propose yan. Sa Mountains Provinces to connect with Ilocos Region,” paliwanag nito.

Samantala, inihayag naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Task Force Special Operations Chief Edison "Bong" Nebrija na dapat pag-aralan muna ng mga awtoridad ang mungkahi ni Padilla dahil may kaakibat na mga pagsubok ang pagtatatag ng cable car system.

"Marami pong challenges yan ‘pag ilalagay natin sa EDSA (There are many challenges if we put up a cable car system along EDSA). I hope they will look at these challenges muna before implementing it and of course this will pass through the scrutiny of both houses, Congress and Senate, the Committee on Transportation, they might even create a technical working group," pahayag ni Nebrija.

Nauna nang sinabi ni Padilla na nakita niya mula sa kanyang mga paglalakbay sa labas ng bansa ang tulong ng cable cars sa komunidad at iginiit na napag-aralan na ang mungkahing ito ng mga eksperto sa bansang France. 

Previous Post Next Post