Hontiveros kay Marcos: Pagtatalaga ng 'competent, full-time' DA chief, nararapat na
Ni Cherry Babia
Umapela si Senador Risa Hontiveros kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kinakailangan nang magtalaga ng “competent” at “full-time” na kalihim sa Department of Agriculture (DA) at sinabing hindi part-time worker ang kailangan ng ahensiya.
Photo Courtesy of Senate of the Philippines/Rappler |
Ayon sa senadora, kailangan ng DA ng isang kalihim na full-time tututok at tutulong sa mga magsasaka at konsyumer kasunod ng napipintong krisis sa asukal at iba pang mga produkto.
"This fiasco with the SRA (Sugar Regulatory Administration) is just the tip of the iceberg when it comes to the chaotic organization and operation of the DA. The President should reconsider his position and appoint a competent person who would take charge of the DA, end all controversies in the department, and focus on helping farmers and ensuring adequate food supply in the country," ani Hontiveros.
Para kay Hontiveros, patuloy na magdudusa ang mamamayan kung hindi magbabago ang reporma ng estruktura sa kagawaran.
"It is clear by now that having the President also perform the tasks of a DA secretary only causes confusion and dysfunctionality in the bureaucracy. Take note, this took place within the first 100 days of the current administration. The public will continue to suffer from more of these blunders if no reforms are made to the DA’s leadership structure," saad ng senador.
Aniya, marami na umanong pinangungunahang ahensya ang pangulo bukod sa pagiging commander-in-chief sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kung kaya magiging mahirap umano sa pangulo na pagsabayin ang mga responsibilidad dito.
"As clearly shown by the situation in the DA, it is very difficult to do all of those responsibilities and at the same time focus on the myriad of programs that must be handled by the DA secretary," paliwanag nito.
Gayunpaman, pinuntirya din ng senador ang patuloy na kakapusan at pagtaas ng presyo ng asukal sa bansa.
"Kapag tumaas ang presyo ng asukal, magmamahal din ang presyo ng maraming produkto at bilihin. Sobrang pahirap na iyan sa mamamayan. Hindi pwedeng part-time job ang pagtutok sa krisis na ito. Kailangan natin ng magaling at maayos na Secretary sa DA na full-time na tutulong sa mga magsasaka at konsumer," dagdag niya.
Samantala, tatlong opisyal ng SRA ang bumaba sa kanilang pwesto matapos ang issuance ng Sugar Order 4 na pinahintulutan ang importasyon sa 300,000 metric tons ng asukal nang walang abiso kay Marcos.
Sinabi naman ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na tinanggihan umano ni Marcos ang proposal na ito at idinagdag na ilegal umano ang naging importation order.
Sa kasalukuyan, wala pang ibinigay na komento ang Malacañang sa pahayag ni Hontiveros.
Iwinasto ni Kim Arnie Gesmundo