Tropang Giga nalusutan ang Hotshots, Beermen pinutulan ng enerhiya ang Bolts
Ni Ignacius Carell Cruz
Nalusutan ng TNT Tropang Giga ang Magnolia Timplados Hotshots sa Game 3 ng PBA Philippine Cup Semifinals sa iskor na 93-92 upang masungkit ang 2-1 na kalamangan sa serye sa loob ng Smart Araneta Coliseum, Linggo.

Photo Courtesy of PBA Images |
Walang kaabug-abog na ibinaon ng dating back-to-back Best Point Guard in Asia na si Jayson Castro ang game-winning three sa harap ng madikit na depensa ni Mark Barroca upang maisalba ang TNT mula sa isa na namang late game collapse.
Pinangunahan ni Poy Erram ang umaatikabong opensa ng Tropang Giga mula sa bench kung saan siya ay nagtala ng 22 puntos at 8 rebounds na sinundan naman ni Castro ng 16 markers, kabilang na ang huling anim na siyang nagbigay ng panalo sa TNT.
“Personally, I feel like we did not play to our full potential. Pero sobrang blessed pa rin ako na ‘yong mga teammates ko, down the line, nandiyan sila for the crucial baskets,” giit ni Erram matapos itanghal na Best Player of the Game.
Bumira naman si Mikey Williams ng double-double sa kanyang 15 puntos at 10 assists sa kabila ng maalat na shooting sa loob ng court samantalang bumawi naman si Glen Khobuntin mula sa kanyang masamang laro noong Game 2 sa pamamagitan ng pagpasok ng 15 markers para sa Tropang Giga.
Malugod si six-time PBA Coach of the Year at National Team Head Coach Chot Reyes sa kanilang naging desisyon na huwag gumamit ng foul at pagtuunan ng pansin ang natitirang oras ng laro upang umiskor ang kanyang mga manlalaro.
“We talked about it during the timeout that whatever happens, whether Magnolia scores or not, we have to score. The play was run the way we wanted it to be with the quick inbound to Jayson, the bigs giving him a screen while shooters filling the corners. It turned out to be a good play because Jayson made the shot,” ayon kay Reyes.
Hindi naman naging sapat ang 18 puntos ni Calvin Abueva at 17 markers ni Ian Sangalang na parehong walang nagawa kung hindi panoorin ang kapwa kapampangan na si Castro na pataubin ang Hotshots.
Nakatikim pa ng kalamangan ang Magnolia dahil sa late-game heroics ni Barroca kung saan kanyang matagumpay na naipasok ang awkward runner upang ibigay sa Magnolia ang kalamangan, 92-90, bago ang pamatay sunog na tres ni Castro na siyang tumapos sa bakbakan.
Sa kabilang banda, nakabawi naman ang San Miguel Beermen matapos nitong putulan ng enerhiya ang Meralco Bolts sa kanilang semifinals matchup sa iskor na 96-91 upang makamit ang ikalawang panalo sa race-to-four-wins na sagupaan.
Dinomina ni six-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ang buong laro kung saan siya ay nagtala ng 21 puntos at 16 rebounds, kabilang na ang 10 mahahalagang puntos sa huling yugto ng laro upang ipagkaloob sa Beermen ang matamis na panalo.
“Noong first half, pasa-pasa muna ako at hinayaan ko muna umiskor teammates ko. Sa second half, nakakuha na ako ng bola at saka offensive rebounds, at ‘yon, nakaiskor na ako,” ani Fajardo na siyang hindi pinahinga ng masikip na depensa ng Bolts.
Aminado naman si eight-time PBA Champion Head Coach Leo Austria na hindi naging madali ang Game 3 kontra sa Meralco dahil sa kanilang kakayahang dumepensa sa loob ng shaded area na bread and butter ng Beermen sa opensa.
“Meralco is well-prepared. They know what to do in the post and in the pick-and-roll. Nakakabalik agad sila. But the big difference is that we are able to anticipate what kind of defense they are going to apply to June Mar in the post. I was able to utilize Mo because they are trying to defend June Mar,” giit ni Austria.
Umariba rin ang BPC race frontrunner na si CJ Perez na kumana ng game-high 26 markers at siyang nagbigay ng buhay sa opensa ng Beermen sa unang yugto pa lamang ng laro kung saan ibinaon niya ang 13 puntos.
Sa kabilang dako, muling kinapos ang 16 puntos ni Meralco star Chris Newsome at 12-point, 13-rebound double-double ni Cliff Hodge na siyang sinandalan ng Bolts hanggang sa pagtatapos ng laro.
Naging epektibo ang defensive gameplan ng Bolts sa unang dalawang yugto ng bakbakan kung saan kanilang nalimitahan si Fajardo sa anim na puntos subalit kapalit nito ay ang karagdagang scoring opportunities sa ibang manlalaro ng Beermen tulad na lamang ni Perez at Tautuaa.
Gaganapin ang Game 4 ng parehong serye sa Miyerkules sa loob ng Smart Araneta Coliseum.