Ni Xhiela Mie Cruz

Binahaginan ng ilang political experts ang oposisyon ng epektibong campaign strategies na magagamit umano nito upang makasungkit ng maraming botante sa eleksyon.

Photo Courtesy of Philippine Star/BBC News

Ani Arjan P. Aguirre, isang political science professor sa Ateneo de Manila University, kinakailangan ang pagkakaroon ng politikal na adyenda at mga programa upang makuha ang buong puso't isipan ng mga botante.

"This should be coupled with an innovative approach in engaging the larger populace, especially the D and E classes using their language, touching on their aspirations, knowing their disposition,” ani Aguirre.

Kaugnay nito, kabilang umano ang sinseridad sa paghahanap ng makabagong adyenda at pagkakaroon ng koneksyon sa mga nasasakupan sa mga dapat na pagtuunan ng pansin.

Kinatigan ito ng political economy researcher na si Hansley A. Juliano nang sabihing dapat na bigyang-diin kung paano maaapektuhan ng kabilang panig ang seguridad at pamumuhay ng mga Pilipino.

Saad pa niya, nararapat na hindi pwersahin ang mga botante sa pagboto sa ini-endorsong partido at bigyan ito ng kalayaan na mamili ayon sa kanilang sariling desisyon.

"I think the economy/purse problems were balanced by massive identity/cultural debates. The consensus now is that the distastefulness of everything Trump related, abortion rights, and the emerging Gen Z vote is keeping it from becoming a Republican victory,” saad ni Juliano.

Base kay Maria Ela L. Atienza, political science professor sa University of the Philippines, mahalaga ang pagkakaroon ng matibay na pundasyon sa pagitan ng isang partido at mga botante hindi lamang sa simula kundi kahit tapos na ang eleksyon.

"Grassroots and sectoral mobilization of parties matter. Parties should remain relevant and connect with the hopes and fears of constituents,” pahayag ni Atienza.

Dagdag pa niya, dapat obserbahan ng mga bumoboto ang kanilang proteksyon hindi lamang sa kasagsagan ng eleksyon kundi sa buong political process at hinimok niya rin na makiisa ang mga ito sa mga aktibidad ng mga partido.


Iniwasto ni Audrei Jeremy A. Mendador