Argentina kinalos ang France, Messi nakopo ang unang kampeonato sa WC
Ni Manuel Arthur Machete
Binarikadahan ni Lionel Messi ang late-game surge ng France nang magsalba ng dalawang penalty sa shoot-out (4-2), daan upang hablutin ang kaniyang unang kampeonato at itawid ang Argentina sa FIFA World Cup Finals sa Lusail Stadium sa Qatar, Lunes (Manila time).
Photo Courtesy of The New York Times |
Nagposte ng dalawang penalty si “La Pulga” para makabalikwas sa 3(4)-3(2) bentahe kontra sa hat-trick ni Kylian Mbappe, rason upang masikwat ang kaniyang unang World Cup title at higitan ang naunang record na “25 appearances in FIFA WC” ni German standout Lothar Matthaus.
Pumanig sa Argentina ang first half matapos ang penalty ni Messi sa ika-23 minuto at 36-foot goal ni Angel di Maria sa oras na 35:21 minuto para itangan ang koponan sa maagang 2-0 kartada.
Pagdako sa ika-79:25 minuto, naiangat sa 2-1 ang iskor makaraang magpaskil ng isang penalty si Mbappe. Naitable pa ng French booter ang dwelo sa bentahe na 2-2 matapos bumandera ng goal, dalawang minuto lang ang pagitan.
Muling nabawi ng Argentina ang liderato kontra sa France matapos maiposte ang goalkeeper-area shot ni Messi sa oras na 107:56 minuto, 3-2.
Ngunit naitablang muli ni Mbappe ang girian, 3-3, makaraang maihirit ang isang penalty sa ika-117:03, rason upang maging ikalawang player na nagtala ng hat-trick sa World Cup finals mula pa noong 1966.
Tinuldukan na nina Messi, Paulo Dybala, Leandro Paredes, at Gonzalo Montiel ang dwelo sa penalty shootout matapos maghulma ng iskor na 4-2 kontra sa France.
“I cannot believe that we have suffered so much in a perfect game. Unbelievable, but this team responds to everything,” saad ni Argentinian coach Lionel Scaloni.
“I am proud of the work they did. With the blows we received today, this makes you emotional. I want to tell people to enjoy it, it’s a historic moment for our country.”
Itinanghal naman bilang third placer ang Croatia matapos ang runner-up finish noong nakaraang FIFA World Cup. Sa kabilang dako, kinilala naman bilang kauna-unahang African Country na nakapasok sa FIFA WC semifinals ang Morocco.
Iniwasto ni Diana Mae Salonoy