Lynxter Gybriel L. Leaño


Ipinatawag na mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Chinese Ambassador Huang Xilian upang mapag-usapan ang palagiang pantaboy at hindi magandang pagtrato ng mga Tsino sa Philippine Coast Guard (PCG) at sa mga mangingisda sa South China Sea.

Photo Courtesy by ABS-CBN News

Kinumpirma ito ng Presidential Communications Office noong Pebrero 14 kung saan itinalakay ng dalwang presidente ang ang pagpapaigting sa tamang pagpapamahala sa South China Sea.

"They exchanged views on how to implement the consensus reached by the two heads of state, strengthen dialogue and communication, and properly manage maritime differences between China and the Philippines," giit pa ng Chinese Embassy.

Kamakailan rin ay kinontrahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga aksyon ng Chinese Coast Guard sa mga Pinoy dahil sa kanilang “latest aggressive activities” sa inaangking karagatan.

Napagkaalaman ng DFA na gumamit ang mga Tsino ng military-grade laser upang itaboy ang PCG na magdadala sana ng mga suplay para sa mga sundalong naka-istasyon sa Ayungin Shoal.
“The diplomatic protest, released to the Chinese Embassy in Manila on 14 February 2023, condemned the shadowing, harassment, dangerous maneuvers, directing of military-grade laser, and illegal radio challenges by CCG vessel 5205 against PCG vessel BRP Malapascua on 6 February 2023,” pahayag ng DFA.

Dagdag pa ng kagawaran na ang mga aksyong ipinakita ng bansang Tsina ay maaaring isang banta para sa karapatan ng Pilipinas sa soberanya at hurisdiksyon nito sa exclusive economic zone.

“The Philippines has the prerogative to conduct legitimate activities within its exclusive economic zone and continental shelf. China does not have law enforcement rights or powers in and around Ayungin Shoal or any part of the Philippine EEZ,” diin pa ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza.

Nagpahayag naman ng suporta ang bansang Amerika na siyang kakampi ng Pilipinas at iginiit na sa oras na lalala ang girian ng dalawang bansa, handa ang Amerika na magpadala ng kanilang sundalo sa ilalim ng Article IV ng 1951 US Philippines Mutual Defense Treaty.

Iwinasto ni Khezyll Galvan