Janniel Pocaonces

Ayon sa isang vlogger na si Mimaa Alicia, tinanggihan diumano ng palasyo ang hiling na maging bayani ang namayapang dating mayor ng Naga na si Jesse Robredo.

Sa kaniyang mahigit 9-minute video na may caption na “Palasyo tinanggihan ang request na gawing bayani si Jessie Robredo,” binatikos niya ang kahilingan ni Mayor Legacion ng Naga City na gawing special non-working holiday sa lungsod ang araw ng pagkamatay ng dating mayor.


CLAIM: Request na maging bayani si Jesse Robredo, tinanggihan ng palasyo.

RATING: Misleading

CONCLUSION: Ang nakapaloob sa sulat na ipinasa ng mayor ng Naga na si Nelson Legacion ay ang request na gawing special non-working day sa lungsod ang araw ng pagkamatay ni Jesse Robredo — dating mayor ng Naga — na siyang tinanggihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngunit hindi nakasaad sa sulat na hinihiling niyang maging bayani ang namayapang dating mayor.



Sa mahigit 9-minute video na naka-upload sa YouTube ng naturang vlogger, kaniyang binatikos ang kahilingan ng mayor ng Naga na si Nelson Legacion na gawing special non-working holiday ang August 18 bilang pag-alala sa yumaong dating Mayor ng Naga at Kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na si Jesse Robredo.

Bagama't kaniyang binanggit na ang nilalaman lamang ng kahilingan ay gawing special non-working holiday ang Agosto 18, nakasaad sa kanyang caption sa kanyang YouTube video na ang request ay gawing bayani ang yumaong dating mayor.  

Ang pahayag na ito ay MISLEADING. Ang nakapaloob sa sulat na ipinasa ng mayor ay ang request na gawing special non-working day sa lungsod ang araw ng pagkamatay ni Jesse Robredo — dating mayor ng Naga — na siyang tinanggihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngunit hindi nakasaad sa sulat na hinihiling niyang maging bayani ang namayapang dating mayor.

Tinanggihan ng Office of the President ang request na ito dahil diumano meron nang Republic Act 10669, o panukalang batas na nagdedeklara sa Agosto 18 bilang "Jesse Robredo Day," isang special working holiday. Ayon sa batas, ipinagdiriwang ang araw ng pagkamatay ng dating kalihim ng DILG sa lahat ng paaralang elementarya at sekondarya sa buong bansa bilang pag-aalala sa kanyang mga mabuting nagawa bilang opisyal ng gobyerno.

Simula August 18, 2016, o ang unang taon simula nang ipinasa ang naturang batas, ilang beses nang idineklara ang araw na ito bilang non-special non-working holiday sa Naga City hanggang sa termino ni Marcos Jr. noong nakaraang taon.

Ang namayapang dating mayor ng nasabing siyudad at interior secretary noong termino ng namayapang presidente Ninoy Aquino ay nakatanggap ng Ramon Magsaysay Award dahil sa kaniyang di matatawarang pamumuno sa lungsod ng Naga.

Si Jesse ang asawa ni dating Vice President Leni Robredo, mahigpit na katunggali ni Ferdinand Marcos Jr. noong 2010 vice presidential election at 2022 presidential election.


---


Makiisa sa aming kampanya kontra mis/disimpormasyon sa pamamagitan ng pagreport ng mga ito na iyong makikita sa internet. 

Para mag #FactCheck, maaari mong i-report ang mga ito sa: