Tinapyas na P90-B sa badyet ng NIA, nais ipabalik para maging sapat ang pondo
Lynxter Gabriel Leaño
Hiniling ng National Irrigation Administration (NIA) sa Kamara na ibalik ang P90 bilyong badyet para sa kanilang ahensya matapos itong tanggalin ng Department of Budget and Management (DBM) mula sa orihinal na P132 bilyong pondo sa iminungkahing 2024 National Budget.
Photo Courtesy of DA-PRDP/Voltaire F. Domingo/Senate PRIB |
Ayon pa kay NIA Acting Administrator Eduardo Guillen, kinakailangan ng ahensya ang sapat na badyet upang matustusan ang pangangailangan ng mga Pilipino sa food security at paghahanda sa matinding epekto ng El Niño.
“We firmly believe that our original budget ceiling request aligns with these factors and would allow us to fulfill our mission better and serve the interest of the Filipino people,” giit ni Guillen sa isang liham na ipinadala sa Kamara.
Pinaglaanan lamang ng P41.2 bilyong pondo ng DBM ang nasabing ahensya dahilan upang makiusap ang NIA na aprubahan ang orihinal na badyet.
Sinabi ng NIA na nagkaroon ng malaking pagtaas sa ani ng mga patubig na sakahan tulad sa Nueva Ecija, kung saan ang suplay ng tubig ng Pantabangan Dam ay nagresulta sa average na ani na pitong tonelada bawat ektarya — mas mataas kaysa sa karaniwang apat na tonelada bawat ektarya.
“This is not ideal, considering the urgent need to address food security and uplift the livelihoods of our farmers. To expedite the progress and substantially contribute to accelerated and inclusive economic growth, I strongly recommended a dramatic increase in funding for irrigation infrastructure,” dagdag ni Guillen.
Isiniwalat din sa liham ni Guillen ang tatlong rason kung bakit patataasin ang badyet ng NIA, kasama na rito ang maayos na pagpapatupad ng mga programa ni Marcos hinggil sa agrikultura, mga proyekto, plano, at aktibidad na makatutulong sa paglago ng ekonomiya at paghahanda sa El Niño.
“The early formation and increased likelihood of a strong El Niño call for heightened preparedness and proactive measures to mitigate the potential adverse effects on affected regions, particularly in terms of water resources and agricultural productivity. This surprising crisis forecast forces a rethink of our budgetary allocations in favor of irrigation projects, which means a substantial increase in budget level for fiscal year (FY) 2024 and utilization of FY 2023 savings,” paliwanag ni Guillen.
Matatandaang biglaan na lamang tumaas ang presyo ng bigas na nagdulot sa pag-aray ng mga Pilipino, kaya't nagpatupad si Marcos ng price-cap para sa regular-milled rice sa halagang P41 habang P45 naman bawat kilo ang well-milled rice.