John Phillip Morales

“Our love story started with respect, and ended with respect,”


Kumpirmado na ni Kathryn Bernardo ang hiwalayan nila ng ka-love team at boyfriend niya na si Daniel Padilla matapos ang 11 na taon na relasyon nilang pagsasama. Ayon sa kanyang Instagram post, tinuldukan na ni Kathryn ang mga usap-usapan. Nagbahagi si Kathryn ng kanilang photo ni DJ. Giit ni Kathryn, nasa showbiz siya sa halos 21 na taon, 12 na taon nito ay bilang kahati ng KathNiel, at ang 11 na taon nito ay bilang taong nagmahal kay DJ. Ayon pa kay Kath, ang relasyon nila ni Daniel ay tunay at hindi lang para sa show, sa harap ng camera, sa mga fans, hindi bilang love team.

“I’ve been in showbiz for almost 21 years now, 12 years as the one-half of Kathniel, and 11 years as someone who loved Deej even behind the camera.”

“What Deej and I had was real. It was never for show. We were together not because of the money that comes with a successful love team. We were genuinely inlove.”

Anya pa ni Kathryn, “That’s almost half of my life that I would never regret and would never trade for anything in the world.”

Sa kabilang banda ay nag post rin si Daniel sa kanyang Instagram account. Anya, “Sa mundo, sa buhay, at sa limitadong oras na tayo ay nandito, Isang malaking biyaya ang pagmamahal mo. Ang mahalin ka. At mahalin mo. Ang mga alaala natin ay laging kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw.” Giit pa ni DJ, “I pray for us to grow, and heal. Bal, ang pag mamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan.”

Unang nag tambal ang Kathniel sa seryeng Growing Up hanggang sa huling serye nila na 2 Good 2 Be True. Tumatak rin ang kanilang blockbuster films tulad ng Must Be… Love, She’s Dating the Gangster, Crazy Beautiful You, Barcelona: The Love Untold, Can't Help Falling In Love, at The Hows of Us.