FALSE: 'Disease X' nagpapakalat na ng Zombies
Ace Balangitan
Sabi ng vlogger na si Sangkay Janjan, magkakaroon na naman daw ng panibagong pandemic sa mundo dahil sa “Disease X”. Ito ay HINDI TOTOO.
Sinabi niya rin na may alam na ang mga scientists patungkol sa susunod na pandemya pero hindi ito sinasabi sa publiko.
CLAIM: Nagpapakalat daw ng Zombies ang “Disease X” at magiging dahilan upang magkaroon ng panibagong pandemya sa mundo.
RATING: False
CONCLUSION: Ang disease X ay HINDI isang aktwal virus. Ito ay isa lamang pangalan ni ginamit ng WHO para sa mga hindi pa kilalang pathogens na maaaring maging sanhi ng epidemya.
Ang mga balikong pahayag ni Sangkay Janjan ay HINDI TOTOO.
Ang “Disease X” na pinangalanan ng World Health Organization (WHO) ay hindi aktwal na disease o virus—ito ay lamang pangalan na ibinigay sa mga hindi pa kilalang pathogens na maaaring sanhi ng epidemya.
Noong 2016, isinapubliko ng WHO ang planong nitong aksyon para sa R & D Blueprint for Action to Prevent Epidemics na naglalayong ihanda ang international community para sa mga outbreaks at epidemya sa hinaharap.
Ito ay naging tugon sa West Africa Ebola epidemic noong 2014 kung saan, ayon sa WHO, hindi handa ang scientific community upang tumugon dito.
Ang disease X, kasama ang R & D Blueprint, ay hindi isang virus, bagkus ay makatutulong upang mas mapaghandaan ang mga epidemya at pandemya sa hinaharap.
Ang bidyo ni Sangkay Janjan ay mayroong mahigit 18 libong views, isang libong likes at mahigit 150 comments.
---
Makiisa sa aming kampanya kontra mis/disimpormasyon sa pamamagitan ng pagreport ng mga ito na iyong makikita sa internet.
Para mag #FactCheck, maaari mong i-report ang mga ito sa:
www.explained.ph/report o sa email ng [email protected].